“Right love at the wrong time.”
Ito ang paliwanag ni Yasser Marta, 27, tungkol sa napapabalita na pagkakamabutihan nila ni Claudine Barretto, 44.
Read: Yasser Marta admits falling for Claudine Barretto
Nagsimula umano ang pagkakamabutihan ng dalawa nang magkasama sila sa Lovers/Liars, ang drama series ng Regal Entertainment Inc. na napanood sa GMA-7 mula Nobyembre 20, 2023 hanggang Enero 11, 2024.
Kabilang si Yasser sa mga miyembro ng Boys of Summer ng Sparkle na nakapanayam ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, Mayo 8, 2024.
YASSER & CLAUDINE: RIGHT LOVE AT THE WRONG TIME
Itinanong sa kanya ang tunay na estado ng relasyon nila ni Claudine dahil sinabi ni Yasser sa isang television guesting na “na-develop” siya sa 44-year-old actress.
Pero sa panayam sa kanya ni Boy, itinanggi ng Kapuso hunk na nagkaroon sila ng relasyon ni Claudine.
“Hindi po,” sagot ni Yasser nang tanungin tungkol dito.
“Sino bang hindi mahuhulog din? Isang Miss Claudine Barretto, di ba?
"Napakalambing at napakaganda. Lahat ng iwi-wish mo, nasa kanya na.
"And ako, kung maibabalik ko lang yung panahon dati na sabay kaming nandito sa industriya, sana maibalik ko yon.
“Yung timing din, e. Parang yung kanta nga, e, right love at the wrong time. Parang ganoon.”
Ikinumpara ni Yasser ang love story nila ni Claudine sa lyrics ng "Somewhere Down The Road," ang 1981 hit song ni Barry Manilow.
Read: Yasser Marta reveals reason for breakup with girlfriend Kate Valdez
Pinatotohanan ng isang nakakaalam sa kuwento na hindi humantong sa seryosong relasyon ang pagkakamabutihan nina Claudine at Yasser, pero totoong dumadalaw noon ang 27-year-old actor sa tahanan ng aktres at nanonood sila ng Netflix movies, kasama ang mga anak ng aktres.