PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Two-timing actor, nasampal ng controversial personality

Aktor, sinungkit ang dalawang kaibigan ni controversial personality.
by Jojo Gabinete
Published May 14, 2024
blind items about celebrity moms, fitness instructor
Two-timing actor carries on with two actresses at the same time. Angered, the actresses' common friend, a controversial personality, slaps the actor.
ILLUSTRATION: Igi Talao

Malakas na sampal ang natikman ng sikat na aktor mula sa isang kontrobersyal na personalidad, pero piniling manahimik ng aktor para hindi na lumaki ang isyu.

Nagalit ang kontrobersyal na personalidad sa sikat na aktor dahil nakipagrelasyon ito nang sabay sa dalawang aktres na malapit na kaibigan niya.

TWO-TIMING ACTOR

Isa sa mga naagrabyadong aktres ang nagsumbong sa palaban na personalidad at nagsabing may kahati siya sa puso ng aktor na hindi naging matapat sa kanilang relasyon.

Nagalit ang kilalang personalidad dahil bukod sa naawa siya sa kaibigang aktres, malapit din sa kanya ang aktres na karelasyon din ng aktor.

Kasiraan sa aktor ang pananampal ng matapang na personalidad.

Kung magsasalita o maghahain ang aktor ng reklamo, tiyak na magkakaroon ito ng epekto sa kanyang showbiz career at pagkatao.

Pero marami ang nakaalam sa inililihim na karanasan ng aktor dahil ang palaban na personalidad mismo ang nagkukuwento at nagmamalaki sa mga kaibigan tungkol sa pananampal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang maipagtanggol ang dalawang kaibigan na aktres ang intensyon ng matapang na personalidad kaya gumamit siya ng karahasan upang maturuan ng leksyon ang aktor na namangka sa dalawang ilog.

More blind items:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two-timing actor carries on with two actresses at the same time. Angered, the actresses' common friend, a controversial personality, slaps the actor.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results