Menor de edad ang mga estudyanteng nag-imbita sa male singer para sa kanilang school event na naganap sa isang pribadong paaralan sa Quezon City noong nakaraang buwan.
Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral na makalikom ng PHP250,000 dahil ito ang talent fee na siningil ng manager ng male singer.
Read: Showbiz personality, baon sa utang dahil sa bisyo; hindi sumisipot sa trabaho
Kahit limitado ang budget ng mga estudyante, naghanda sila ng pagkain para sa mang-aawit at sa entourage nito.
Pero nagkaroon ng problema nang mag-demand ang handler ng singer ng mga inumin at pagkain mula sa isang sikat na coffee shop.
Ipinaliwanag ng estudyanteng punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita na sapat lamang ang budget nila para sa pagkain ng singer at ng mga kasama nito kaya hindi mapagbibigyan ang hinihiling ng handler.
Hindi ito ikinatuwa ng handler ng singer.
Read: Mabait at magalang na showbiz personality nag-meltdown sa isang hotel
Kahit may pagkaing inihanda ang Student Council, humingi pa rin ng karagdagang pagkain ang handler.
Para hindi na humaba ang usapin, bumili ng pagkain ang mga estudyante sa isang fastfood chain.
NO PHOTO OP AFTER THE EVENT
Hindi natapos sa paghingi ng pagkain ng handler ng singer ang kalbaryo ng mga menor de edad na mag-aaral.
Nang matapos ang concert ng mang-aawit, lumapit sila at hiniling na magpakuha ng litratong kasama ang mang-aawit na kanilang inimbita at binayaran ng PHP250,000.
Imbes na pagbigyan ang munting kahilingan ng mga estudyante, tumanggi ang handler ng singer kaya napaiyak ang mga mag-aaral na nag-imbita.
Read: Dating aktres at high-profile husband, napawalang-bisa na ang kasal
Masamang-masama ang loob ng mga estudyante sa naging trato sa kanila ng handler ng singer, pero hindi kaagad sila nagsumbong sa mga magulang nila.
Nalaman lamang ng Cabinet Files ang horror story tungkol sa handler ng male singer dahil sa pakikipag-ugnayan ng ina ng isa sa mga mag-aaral na hindi na kinayang ilihim ang hindi magandang karanasan nila ng kanyang mga kaklase.
Television personality ang nanay ng estudyanteng nagsumbong sa Cabinet Files. Dismayadong-dismayado ang TV personality sa inasal at hindi makataong trato ng handler ng singer sa kanyang anak at sa mga kaklase nito.
Nais iparating ng nagmamalasakit na ina ang mga nangyari sa pinuno ng talent management agency na nagpapalakad sa career ng male singer.
Ito ay para mabigyan ng leksiyon ang handler na nagpakita ng attitude sa mga menor de edad na estudyanteng nagkaroon ng trauma dahil sa kanilang naranasan.
Related Stories:
- Aktor at aktres na magkasama sa isang programa, kumpirmadong may relasyon
- Aktres, natuklasang may kinakasamang babae ang lalaking pinakasalan niya
- Choosy actress, umatras sa pelikula nang malamang wala na sa cast ang isang beteranang aktres
- Two-timing actor, nasampal ng controversial personality
- Premyadong aktres, tinuhog dalawang aktor sa kanilang TV series