"Live restricted. Content not suitable for younger audiences."
Ito ang babala na natanggap ni Sheree habang nagaganap nitong Sabado ng hapon, Mayo 18, 2024 ang Facebook Live session niya.
Mamimigay siya ng mga libreng ticket para sa mga nais manood ng L'Art de Sheree, ang kanyang burlesque show na itatanghal sa Music Museum sa Mayo 24, 2024.
Takang-taka si Sheree dahil maayos ang kanyang kasuotan kaya hindi siya makakita ng dahilan para higpitan ang kanyang Facebook Live event.
Pero sumagi sa isip ni Sheree na maaaring ang sexy poster ng L’ Art de Sheree na nakalagay sa likuran niya ang posibleng rason kaya naging mahigpit ang Facebook administrator.
Birthday presentation ni Sheree noong April 17, 2020, at itatanghal sana sa Music Museum ang unang plano sa burlesque show niya.
Pero hindi ito naisakatuparan dahil sa coronavirus pandemic.
Natuloy ang pagpapalabas sa L’Art de Sheree nang sumunod na taon, April 24, 2021 sa ktx.ph. Hindi nagkamali si Sheree sa desisyon na gawing virtual event ang kanyang pet project dahil isa ito sa mga highest-grossing show ng streaming site.
Pero hindi nawalan ng pag-asa si Sheree na maitatanghal pa rin ang L’Art de Sheree sa Music Museum, at mangyayari nga ito sa Mayo 24, 2024.
Hindi nagsasalita si Sheree nang tapos, pero baka ang L’Art de Sheree ang huling pagkakataon na magpapaseksi siya sa entablado.
SHEREE's SON ON HER SEXY ROLES
Tutol ang anak nila ng kanyang ex-boyfriend na si Gian Magdangal sa mga ginagawa niya na paghuhubad sa pelikula.
Read: Viva Hot Babe Sheree reveals how she explained her work to 15-year-old son
Bilang respeto at pagbibigay katuparan sa kahilingan ng kanyang 15-taon na anak na lalake, huminto muna si Sheree sa pagtanggap ng mga proyekto na napapanood sa Vivamax.
Nagpapasalamat si Sheree dahil naunawaan ng mga executive ng kanyang home studio ang pansamantala na pasya niya na huwag gumawa ng sexy movies.
"My son is growing up and he’s complaining. He told me, 'Mommy you better stop doing sexy movies' and I totally understand him," ang sabi ni Sheree.
Itutuon muna niya ang atensyon at panahon sa pagkanta dahil maging mang-aawit ang pangarap niya bago pumasok sa showbiz.
Nalinya siya sa paggawa ng mga sexy project nang maging miyembro siya ng Viva Hotbabes.
Read: Sheree Bautista nag-birthday kasama sina Maui Taylor, Katya Santos, at senior citizens