Nagbitiw sa tungkulin ang isa sa mga opisyal ng 72nd FAMAS dahil sa insidenteng nangyari sa veteran actress na si Eva Darren.
Pinaghandaan at ginastusan ni Eva ang Gabi ng Parangal sa Manila Hotel noong Mayo 26, 2024, pero hindi natupad ang imbitasyon sa kanyang magpakilala sa mga personalidad na pararangalan ng pinakamatandang award-giving body sa Pilipinas.
Read: Veteran actress Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?
Isa ang kapwa beteranang aktres na si Divina Valencia sa mga nakisimpatiya kay Eva.
Kinuwestiyon ni Divina ang kredibilidad ng FAMAS, kahit kasama siya sa mga pinagkalooban ng parangal na Iconic Movie Actress of the Philippine Cinema noong nakaraang Linggo.
Tanong niya sa kanyang Facebook post (published as is): "Sa nangyaring hindi kanais nais my krefibilidad pa ba ang Famas ngayun? Pls comment!"
Read: 72nd FAMAS: Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Alfred Vargas win top acting honors
DIVINA VALENCIA DROPS ANOTHER BOMB ABOUT FAMAS
Sa panibagong Facebook post ni Divina ngayong Martes ng gabi, Mayo 28, nagtanong siya kung may kredibilidad pa ba ang FAMAS pagkatapos ng hindi kanais-nais na trato kay Eva.
Hindi umano maipagkakaila ang kapalpakang nangyari.
Nagkuwento rin si Divina ng personal na karanasan sa pagdalo nito sa 72nd FAMAS kaya nagbanta siyang magwawala sa entablado kapag pinutol ang kanyang acceptance speech.
“May inihanda akong babasahin,” sabi raw ni Divina sa isang babaeng may mikropono sa bibig habang nasa backstage sila.
“May babasahin ako. Ngayon, sabihin mo sa mga kasamahan mo at sa director, huwag akong i-stop, ha? Magwawala ako sa stage.
“Mga hindi lang 5-6 na konektado sa mga nagtatawag ng susunod na artista— naririnig ni Marissa Delgado ang sinasabi ko. Tawa siya nang tawa.”
Nang sabihin ng FAMAS production staff na hindi masasagot ang kahilingan ni Divina, nagban ang beteranang aktres.
Aniya, “Ganun ba? O, di sige, magkasubukan tayo kapag hindi nagulo ang gabi ninyo. Don’t stop me sa pagbasa ng inihanda kong sasabihin.”
Ayon kay Divina, nakita niya ang pagbubulungan ng production staff dahil sa kanyang banta.
Read: FAMAS apologizes to veteran actress Eva Darren
TINA LOY & ROMEO RIVERA
Nasaksihan din ni Diivina ang ginawa ng production staff sa radio personality na si Tina Loy at sa beteranong aktor na si Romeo Rivera.


Lahad ni Divina: “Nagsasalita pa si Tina Loy, hinila na nila at mahaba na daw. Nagsasalita si Mr. Romero Rivera, hinila nila. Nababastusan ako kaya ako ay nagbabala.
“Pero ninais ng Dios na ng buksan ko ang cellphone ko to look for my handang speech, hindi ko makita. Naging maikli ang speech ko.
“Kuwela, walang naging gulo. Iniiwas ang FAMAS sa aking sinabi na gagawin,” Facebook post ng palabang beteranang aktres.
Nakahinga nang maluwag ang anak ni Divina na si Dranreb Belleza nang hindi mahanap ng ina sa cellphone na hawak nito ang speech na inihanda dahil tiyak na magwawala ito kapag inawat.
DIVINA VALENCIA-REY DELA CRUZ INCIDENT ON LIVE TELEVISION
Isang matibay na halimbawa ng katapangan ni Divina ay ang pamumukpok nito ng microphone sa ulo ng talent manager na si Rey Dela Cruz—isa sa mga hindi malilimutang eksena na natunghayan sa national television noong dekada ’80.
Live na napanood sa showbiz talk show na Rumors, Facts & Humor ang ginawa ni Divina kay Dela Cruz.
Ito ang eksaktong palitan nila ng mga salita bago naganap ang pamumukpok ng microphone.
Divina: “Rey, huwag kang magagalit sa akin, pero ako bilang artista, ayokong matawag yung mga alaga mong 'artista.'"
Rey: “Ikaw, artista ka ba?”
Ikinapikon ito ni Divina kaya pinukpok niya ng microphone. Dumugo ang ulo ni Rey.
Sa isang interbyu noon, inamin ni Rey na wig ang kanyang buhok.
Natatawang sinabi ni Divina na “Yung pagiging impulsive mo. Naka-toupee pala siya, may clip so dumugo yung ulo niya kasi yung clip ang tinamaan ng microphone.”
Ang Rumors, Facts & Humor ang 1987 showbiz talk show nina Chanda Romero, Janice Jurado, at ng yumaong entertainment writer na si Alfie Lorenzo.
Ang naturang insidente ang isa sa mga dahilan kaya naghigpit noon ang samahan ng advertisers sa mga showbiz oriented talk show.
Read: Throwback: Divina Valencia vs. Rey dela Cruz—the ultimate mic hit that scandalized local showbiz