PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax movie Pamasahe, tinanggal sa Prime Video UK

Vivamax movie Pamasahe, inireklamo dahil sa isang maselang eksena.
by Jojo Gabinete
Published Jun 3, 2024
azi acosta in pamasahe
(From left) Rash Flores, Azi Acosta, and Richard Solano in a scene from the Vivamax movie, Pamasahe.
PHOTO/S: Vivamax

Napatunayan ng Office of Communications (Ofcom) ng United Kingdom na may paglabag na ginawa ang streaming site ng Amazon, ang Prime Video, nang ipalabas nito ilang buwan na ang nakararaan ang Vivamax movie na Pamasahe.

Ang Pamasahe ang launching movie ng sexy star na si Azi Acosta noong 2022.

Ang Ofcom ang ahensiya ng gobyerno ng United Kingdom na namamahala sa regulasyon para sa broadcasting at telecommunication.

Read: Azi Acosta nakagawa ng history sa Vivamax

pamasahe poster
Photo/s: Vivamax
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng Deadline.com, dalawang linggo na ang nakalilipas buhat nang aprubahan ang bagong Media Bill sa United Kingdom.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng problema sa Ofcom ang Prime Video dahil sa Pamasahe.

Naglalaman umano ang pelikula ng "harmful content" na isang paglabag sa on-demand program ervices.

Nakatanggap ng reklamo ang Ofcom mula sa isang manonood na nagpahayag ng pag-aalala tungkol sa eksenang may sanggol habang ipinapakitang nagtatalik ang matatanda o ang mga bida ng Pamasahe.

Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?

18+ ang classification na ibinigay ng Prime Video sa Pamasahe, pero sinabi ng naghain ng reklamo na nagpadala ito ng sulat sa mga namamahala sa Amazon tungkol sa eksenang ikinabahala niya.

Diumano, hindi siya nakatanggap ng sagot mula sa Amazon management kaya ipinarating niya ang kanyang reklamo sa Ofcom, na humingi agad ng payo mula sa British Board of Film Classification (BBFC).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa BBFC, “The sequence, contains a frame that would contravene the Protection of Children Act 1978, on the basis that it shows a child in the same frame as sexual activity.”

AMAZON REMOVES PAMASAHE FROM PRIME VIDEO

Ang BBFC ang nakipag-ugnayan sa Amazon kaya inalis agad nito sa Prime Video ang kontrobersiyal na pelikula ni Azi.

Inilahad ng Amazon na isinasaalang-alang nila ang mga hakbang sa pagtukoy sa ipinagbabawal na materyal na matibay, kumpleto, at epektibo.

Ebidensiya ang mahigit isang dekadang content contribution nila sa ilalim ng pangangasiwa ng Ofcom na walang pag-iimbestiga sa kanilang mga ipinalalabas na panoorin hanggang magkaroon sila ng problema sa Pamasahe.

Pahayag ng Amazon, “These sorts of content policies are nuanced and we regularly evaluate where we can make improvements.”

Mga bida sa Pamasahe sina Azi, Mark Anthony Fernandez, at Felix Roco. Nagsimulang mapanood ang Pamasahe sa Vivamax noong Disyembre 9, 2022.

Dito unang napansin ang husay ni Azi sa pag-arte.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero walang nag-isip na makalipas ang halos dalawang taon, magiging kontrobersyal at magkakaroon ng problema sa United Kingdom ang kanyang pelikula.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Rash Flores, Azi Acosta, and Richard Solano in a scene from the Vivamax movie, Pamasahe.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results