PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, dyinowa ang kaibigan ng kanyang girlfriend

Aktor, hindi lang pinatira sa condo niya ang kaibigan ng kanyang girlfriend.
by Jojo Gabinete
Published Jun 4, 2024
blind item love triangle
PHOTO/S: Freepik

Hindi itinatanggi ng isang aktor ang pagiging babaero nito noong kabataan niya at natatawa siya sa tuwing napag-uusapan ang kanyang kapusukan.

Kahit may relasyon na sila ni Actress A, na may magandang mukha, pumatol pa rin ang aktor kay Actress B bago ito nagdesisyong magpaseksi sa pelikula.

Read: Aktres, malalim ang galit sa aktor na katrabaho sa teleserye

Masalimuot ang kuwento dahil matalik na magkaibigan noon sina Actress A at Actress B.

May mga condominium unit na pinarerentahan ang aktor.

Dahil naghahanap ng pansamantalang matitirhan si Actress B, pinakiusapan ni Actress A ang boyfriend nitong patirahin muna si Actress B sa isa sa mga pinauupahang unit.

Pinagbigyan ng aktor ang kahilingan ng kanyang girlfriend.

Pero nagkamali si Actress A sa pagtulong kay Actress B dahil nakipagrelasyon ito sa boyfriend niya.

Read: Aktor, nabuking ang tangkang pamboboso ng photographer

NOT JUST "AS A FRIEND"

Malakas ang loob ng aktor dahil isinasama nito si Actress B sa shooting ng kanyang pelikula sa malayong probinsiya, at hindi siya nagpakita ng pag-aalala na puwedeng makarating sa girlfriend niya ang pagtataksil na ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi puwedeng sabihin ng aktor na "as a friend" lamang ang pagpunta nila ni Actress B sa lalawigan dahil marami ang saksi sa kanilang intimate moments.

Hindi pa uso noon ang social media pero mabilis na nakarating kay Actress A ang panglolokong ginawa ng kanyang boyfriend at ng kapwa aktres na tinulungan at itinuring niyang kaibigan.

Si Actress B ang isa sa mga ugat ng paghihiwalay ng aktor at ng kanyang girlfriend.

Nakaramdam na ng pagod si Actress A dahil hindi nawawalan ng babaeng nauugnay sa boyfriend niya.

May kanya-kanya nang karelasyon ngayon ang tatlo. Maligaya na sila sa piling ng kanilang mga asawa at tahimik na ang mga pamumuhay nila.

Sa tuwing napag-uusapan ang kapilyuhan sa babae at makulay na love story ng aktor, natatawa na lamang ito lalo na kapag tinutukso siyang "tinira" at hindi lamang niya basta pinatira sa pag-aaring unit si Actress B, na hindi naging tunay na kaibigan kay Actress A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Two-timing actor, nasampal ng controversial personality

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Freepik
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results