Kahit labindalawang taon (12) na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ni Paolo Contis, nananatiling asawa ni Lian Paz ang kontrobersiyal na aktor.
Ito ay dahil sa desisyon ni Lian na iurong ang petisyon para mapawalang-bisa ang kanilang kasal.
Hindi naging madali para kay Lian ang pasya nito noong Marso 2024.
Iniyakan daw niya ito nang husto.
Pahayag ni Lian sa Cabinet Files: "Nag-withdraw ako kasi kulang ang evidences and all. Maraming hassle.
"So I’m thinking, maybe may ibang paraan si Lord, at hihintayin ko na lang yung will Niya, not mine anymore.
"This time, I want to trust the Lord."

Eksklusibong nakausap ng Cabinet Files si Lian nitong Martes ng gabi, Hunyo 4, 2024.
Read: Lian Paz, John Cabahug proud of daughters' latest academic milestones
LIAN PAZ AND PAOLO CONTIS PETITION FOR ANNULMENT
Si Paolo ang unang naghain ng petition for annulment noong 2012, pero ibinasura ito ng korte noong 2014.
Sa kagustuhan ni Lian na tuluyang maging malaya, siya ang naghain ng petition for annulment sa Regional Trial Court ng Marikina noong 2021.
Pero nagbago nga ang pasya niya noong Marso 2024.
Iniyakan ni Lian ang kanyang desisyon dahil nangangahulugang hindi pa sila maaaring magpakasal ni John Cabahug.
Si John ang longtime partner niya na buong-pusong tinanggap at minahal ang dalawang anak ni Lian kay Paolo na sina Xonia at Xalene.
Biniyayaan ng isang anak na babae ang pagsasama nina Lian at John.
February 2021 nang ianunsiyo ni Lian na engaged na sila ni John.

WHAT HAPPENED WITH THE ANNULMENT CASE?
Masakit man, tanggap ni Lian ang consequence ng kanyang desisyon.
Ipinaubaya na raw niya sa Panginoong Diyos ang lahat ng kanyang mga alalahanin.
Patuloy ni Lian sa panayam ng Cabinet Files: "Yes, I cried. And after that, it was the only time I felt peace in my heart.
"[I am] not worrying anymore because I know if Siya na ang umayos ng buhay ko, sigurado na wala nang sasablay.
"And truly, God is faithful. He had revealed a lot of things to me that increased my faith even more."
Malaking bagay daw ang faith journey ni Lian sa nakalipas na anim na taon.
Paliwanag niya: "In 2018, I accepted Jesus as my Lord and savior. Ever since that day, I am increasingly concerned in getting to know Him and I believe that He knows what is best for me.
"I am tired already of finding a way for myself in all things, so I have surrendered everything to Him, trusting in His will.
"He knows my heart and He knows me better than I even know myself."
Read: 9 Celebrity Blended Families We Love
LIAN PAZ'S SELF-WORTH
Hindi na iniisip ni Lian ang mga sasabihin ng mga tao na kasal pa rin sila ni Paolo.
Para kay Lian, higit na mas importante ang tingin sa kanya ng Panginoong Diyos.
Aniya, "Hindi naman po natin na maloloko ang mga tao.
"Importante po talaga ang sa mata ng Diyos. And at this point in my life, John and I are both walking na with the Lord and we both now surrender our relationship to Him.
"Trusting He will fix this for a great testimony for His glory!"
Ibinahagi rin ni Lian ang personal realization niya sa kanyang karanasan.
"Maraming itinuro ang Diyos sa akin especially in marriage.
"And I can say, kaya siguro hindi nag-work ang marriage ko with Paolo because I have not been a woman of God who knows how to submit in everything.
"I gave up without fighting the right way.”
Taong 2009 nang ikasal sina Lian at Paolo. Naghiwalay sila noong 2012.
Read: Lian Paz' daughters with Paolo Contis want their surname changed