PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eva Darren, napansin ng industriya matapos ang FAMAS issue

Eva Darren, magigi-guest sa Family Feud kasama si Divina Valencia.
by Jojo Gabinete
Published Jun 6, 2024
divina eva reoger family feud
Eva Darren (center) with fellow veteran stars Divina Valencia (left) and Roger Calvin (right) at the waiting room of GMA-7 game show Family Feud.
PHOTO/S: Renz Spangler Facebook

Nagkaroon ng positibong resulta ang itinuturing ng publiko na negatibong pagtrato ng pamunuan ng 72nd FAMAS sa veteran actress na si Eva Darren.

Read: Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?

Bukod sa lifetime achievement awards na tatanggapin nito mula sa iba't ibang award-giving bodies sa mga susunod na buwan, nakatanggap ng mga alok na TV guesting ang veteran actress.

Read: Eva Darren at Carlo J. Caparas, pararangalan sa 7th EDDYS

Read: KathDen, Eva Darren among 2024 Gawad Dangal awardees

Isang malungkot na katotohanan ang nangyari kay Eva.

Kung hindi pa ito nakaranas ng pang-aagrabyado sa Gabi ng Parangal ng 72nd FAMAS, hindi siya mapapansin ng mga kasamahan niya sa industriya at hindi ibibigay ang respetong karapat-dapat sa kanya at sa ibang mga beteranong artistang hindi tinatrato nang wasto.

EVA DARREN ON FAMILY FEUD

Nag-taping si Eva para sa Family Feud Philippines, ang top-rating game show ni Dingdong Dantes sa GMA-7, noong Miyerkules, Hunyo 6, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Eva na naglaro sa Family Feud ang kanyang pamilya. Nakatunggali nila ang grupo ng mga kapwa niya mga beteranong artistang sina Divina Valencia at Roger Calvin.

eva darren divina valencia family feud
Family Feud host Dingdong Dantes (center) with veteran stars Eva Darren (fourth from left), Divina Valencia (fourth from right), and Roger Calvin (third from right), and other players.
Photo/s: Renz Spangler Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Divina ang isa sa mga masugid na nagtanggol kay Eva nang balewalain ang pagdalo nito sa Gabi ng Parangal ng 72nd FAMAS noong Mayo 26, 2024 sa Manila Hotel dahil hindi tinupad ang pangakong isa siya sa mga award presenter.

Read: Divina Valencia, nagsalita sa Eva Darren-FAMAS issue

Kabilang sina Divina at Roger sa mga tumanggap ng parangal na Iconic Movie Actress/Actor of the Philippine Cinema, pero hindi natakot si Divina na batikusin ang pamunuan ng 72nd FAMAS.

Ayon kay Divina, “Nakapanghihinayang ang legacy ng FAMAS na nauwi lang sa basura for the past few years back.”

Kakampi rin nina Divina at Roger sa Family Feud ang former FAMAS PRO na si Renz Spangler, na nagbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa kahihiyang nangyari kay Eva sa Gabi ng Parangal ng 72nd FAMAS.

Si Spangler ang nag-imbita kay Eva para maging isa sa mga award presenter sa pinakamatandang award-giving body na nawalan na ng kredibilidad, ayon pa rin kay Divina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Divina Valencia, kinuwestiyon ang kredibilidad ng FAMAS

eva divina calvin renz family feud
Renz Spangler (extreme right) with veteran stars (from left) Eva Darren, Divina Valencia, and Roger Calvin
Photo/s: Renz Spangler Facebook
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eva Darren (center) with fellow veteran stars Divina Valencia (left) and Roger Calvin (right) at the waiting room of GMA-7 game show Family Feud.
PHOTO/S: Renz Spangler Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results