Sa lahat ng mga aktor na Pilipino na nadaragdagan ang edad, isa si Ian Veneracion sa mga nananatiliing sikat at pinapantasya ng mga kababaihan, na guwapong-guwapo sa kanya habang siya'y tumatanda.
Pero sa kabila ng mga papuri at paghangang natatanggap, nananatiling mapagkumbaba si Ian at, dagdag pa, hindi natatakot tumanda.
Read: Ian Veneracion on setting boundaries with fans: "I only do the things that I wanna do."
“I am not afraid to age," sabi ni Ian sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes ng hapon, June 7, 2024.
Dagdag pa niya habang itinuturo ang kanyang bigote at balbas, "Kapag pumuti na lahat ito, feeling ko, gagayahin ko na si George Clooney o si Phil Jackson.
"I just feel it adds character. Even wrinkles."

IAN VENERACION ON NUDITY AND INDECENT PROPOSALS
Ipinagtapat din ni Ian na hindi siya sanay na nakahubad o nagpapakita ng hubad na katawan.
Aniya, “I am super not comfortable with showing skin, like taking my shirt off. I am really not comfortable.”
Hindi rin daw siya papayag gumawa ng nude scene sa pelikula.
“Because hindi ako comfortable sa katawan ko, No. Pero the artist in me would say, 'Of course, why not?'
“But again, being me, Nah!"
At dahil sa kanyang taglay na kaguwapuhan, tinanong din ni Boy si Ian kung nakatatanggap ito ng mga indecent proposal.
Sagot ng 49-year-old actor, “Directly, no. Hindi diretso. Mga pahapyaw siguro pero directly wala.
“Kung sakali man, I would appreciate the honesty. I would say, 'Thank you for being straightforward, but no.'
"Kumbaga, I’m not selling that service."
IAN VENERACION'S MARKET
Tanggap na tanggap ni Ian na mga tita at mga lola ang karamihan sa kanyang tagahanga — isang bagay na ipinagmamalaki niya.
Read: Ian Veneracion admits most of his supporters are "titas": "I call them my Army of Titas."
Pahayag ni Ian, “I’m always being teased about na my market are the titas and the lolas. I am really proud to have my army of titas and lolas behind me.
“Parang sinasabi ko, sila nga yung discerning ones, so I appreciate it. I’m really proud of them.”
Bukod sa mga tagahanga niyang may edad na, ipinagmamalaki rin ni Ian na marunong na siya ngayong tumanggi sa mga proyektong hindi pasado sa kanyang panlasa.
“I’m very fortunate to be in the position that I can say no, not because I have that much.
“Baligtad, e, when I reached the age of 35 or 40, I started subtracting. Before that, it was all addition. You want more cars, you want more clothes, more friends.
“So when I got to mga 40, I had to do subtraction. Bawas kaibigan, pipiliin ko lang yung mga kaibigan.
"Bawas damit, bawas luho, bawas lahat so I can arrive at this position.
"And I’m able to say, 'No, I don’t want to do that. I don’t want to do this.'
“Hindi magastos na lifestyle," saad ni Ian, "and finding the beauty of the mundane and simple things. I made that my mantra.”
Read: Ian Veneracion amuses netizens with unique fan service