PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chelsea Manalo, emotional sa kanyang homecoming sa Bulacan

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo homecoming in Bulacan
by Jojo Gabinete
Published Jun 8, 2024
chelsea manalo homecoming in bulacan
Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo to the people of Bulacan: “It is my greatest honor to give it back to the people of Bulacan and to the whole Philippines that I am now your Miss Universe Philippines 2024."
PHOTO/S: VG Alex Castro Facebook

Naganap ang homecoming parade ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo sa lalawigan ng Bulacan ngayong Sabado ng umaga, Hunyo 8, 2024.

Mainit ang pagtanggap kay Chelsea ng kanyang mga kababayan habang sakay siya ng malaking karosa habang binabaybay ang kalsada papunta sa panlalawigang kapitolyo sa Malolos, Bulacan.

Ang mga aktor at mga pinuno ng Bulacan na sina Gobernador Daniel Fernando at Bise-Gobernador Alex Castro ang sumalubong kay Chelsea nang makarating ito sa kapitolyo.

Read: Dark horse Chelsea Manalo wins Miss Universe Philippines 2024

chelsea manalo bulacan homecoming
Miss Universe 2024 Chelsea Manalo with Bulacan Governor Dabuel Fernando (right) and Vice-Governor Alex Castro (left).
Photo/s: VG Alex Castro Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madamdamin ang mensahe ng pasasalamat ni Chelsea sa mga mamamayan ng Bulacan dahil hindi niya napigilan ang mapaluha.

Pinalakpakan ang pahayag na ito ni Chelsea: “Your dreams and your time will come, and my time will come and will continue when I get to bring home the fifth crown for the Miss Universe.”

CHELSEA'S MESSAGE TO BULAKEÑOS

Ito naman ang bahagi ng mensahe ng pasasalamat ni Chelsea sa mga residente ng Bulacan na ipinagmamalaki ang tagumpay niya sa Miss Universe Philippines 2024:

“Pangarap ko, pangarap nating lahat itong korona at sash na ito ay hindi lamang para sa akin kundi para sa inyong lahat at para sa iuuwi kong susunod na korona para sa Pilipinas.

“May kanya-kanya naman tayong challenges, patimpalak sa buhay. Akala ko, madali siya, like maganda ka lang, tatayo ka lang. Pero hindi.

“It takes so much courage, so much confidence, so much believing in yourself for you to face so many people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have faced so many challenges in my life, bata pa lang ako.

“Hindi naman ako katulad ng marami diyan na yung standard of beauty na sinasabi, which was yun ang Q&A sa akin—how can I empower many youth or women out there if I am already beautiful enough.

“I think beauty kasi comes within you. It doesn’t have to be who you are physically. We all have our own beautiful, unique side.

“Kapag naging humble ka, kapag naging mabuti ka sa kapwa mo, ikaw ang itataas.

"Magkakaroon ka rin ng korona, your time will come and this is my time."

Read: Tamang Manalo ba ang nanalong Miss Universe Philippines 2024?

Pagpapatuloy ni Chelsea: “It is my greatest honor to give it back to the people of Bulacan and to the whole Philippines that I am now your Miss Universe Philippines 2024.

“Alam ko na hindi ako pababayaan ng mga kababayan sa Bulacan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam ko na malakas ang pananalig natin sa Diyos at ang hinihiling ko lamang ay ang patuloy ninyong pagsuporta at pagdarasal para sa akin upang maiuwi ko ang susunod na korona rito sa Philippines at next time, makauwi uli ako ng Bulacan.”

CHELSEA THANKS HER PARENTS

Nagpasalamat din si Chelsea sa kanyang mga magulang na sinuportahan nang husto ang pagsali niya sa Miss Universe Philippines 2024.

Read: Chelsea Manalo dedicates MUPH 2024 crown to parents

Hiling ni Chelsea sa mga magulang niya, “Huwag kayong mapagod dahil nag-uumpisa pa lang tayo papunta sa Mexico."

Dagdag pa niya: “Sa lahat ng mga narito ngayon, salamat sa ibinigay ninyong oras para maki-celebrate sa Bulacan.

“Hinding-hindi ko makakalimutan itong araw na ito. Isa lamang po ako sa mga nangangarap pero napakataas ng pangarap ko na akala ko hindi ko kayang makamit.

"Pero kung meron magsusuporta sa iyo na isang tao lamang, kapitan mo ang tao na yon na susuporta sa yo dahil siya yung magpapatagumpay kung saan man ang gusto mong hamon sa buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo to the people of Bulacan: “It is my greatest honor to give it back to the people of Bulacan and to the whole Philippines that I am now your Miss Universe Philippines 2024."
PHOTO/S: VG Alex Castro Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results