Bumalik sa Pilipinas sa ikalawang pagkakataon ang Singaporean actor at social media influencer na si Raynold Tan.
Read: Singaporean actor Raynold Tan, bida sa bagong BL series ng Regal
Humarap siya sa local entertainment media para sa opisyal na pag-aanunsiyo ng pagsasanib-puwersa ng VP Global Management Philippines at ng TCP Artists Singapore, na naganap sa Valencia Events Place, Quezon City, noong Sabado, Hunyo 8, 2024.
Kasama ni Raynold na dumating sa bansa ang kanyang kapwa Singaporean actors na sina Brian Ng at David Matthew, at ang CEO ng TCP Artists Singapore si Sean Kevin.
Unang bumisita si Raynold sa Pilipinas noong Marso 2023 para sa shooting ng The Day I Loved You, ang BL series ng Regal Entertainment Inc. na kanyang pinagbidahan.
Read: Tommy Alejandrino, palaban sa intimate scene nila ni Raynold Tan
Dahil sa pagsasanib-puwersa ng VP Global Management Philippines at TCP Artists Singapore, umaasa si Raynold na mabibigyan siya ng pagkakataon gmuling makagawa ng mga proyekto sa Pilipinas.
RAYNALD'S FILIPINO YAYA
Malapit sa puso ni Raynold ang mga Pilipino at malawak ang kanyang kaalaman tungkol sa ating bansa dahil isang Pilipina ang yaya niya na inalagaan siya nang mahigit sa isang dekada.
Aida Rosete Burgos ang pangalan ng yaya ni Raynold na mula sa lalawigan ng Isabela.
Ikinuwento ni Raynold sa Cabinet Files na labindalawang taong gulang siya nang bumalik sa Pilipinas ang kanyang yaya.
Ikinalungkot niya ito nang husto pero hanggang ngayon, may komunikasyon sila sa pamamagitan ng Facebook.
Ibinida ni Raynold na tuwang-tuwa si Yaya Aida nang malaman nitong artista na siya sa Singapore at sa Pilipinas.
“I think my yaya was very proud. She always knew that I… she always wanted me to succeed. Even though… after she left me, she was constantly checking up on me.
“When she learned that I’m an actor, I remember she messaged me, 'Oh my God, anak, you’re an actor now in the Philippines! I’m so proud. Well done!'" nakangiting lahad ni Raynold tungkol sa kanyang yaya na memoryadong-memoryado niya ang pangalan.
Kuwento pa niya, “My yaya is very old now. I don’t think I can reveal her age.
“She left Singapore when I was 12 years old so that was 14 years ago.
“She’s like my second mother. I spent a lot of time with her. She taught me little bit of Tagalog words.”
Natatandaan ni Raynald na madalas siyang ipinagluluto noon ng kanyang yaya ng mga pagkaing Pilipino pero hindi niya maalaala ang mga pangalan.
Isa sa mga pangarap at pinaghahandaan ni Raynold ay ang muling makabalik si Aida sa Singapore para makapagbakasyon. Siya siyempre ang gagastos sa biyahe ng kanyang dating yaya.
Labis daw sa pangungulila niya sa kanyang Filipina yaya na pangalawang ina ang kanyang trato.
Ayon kay Raynald, “She’s now living in Isabela. It’s always been something I want to do for her.
“I know my yaya misses me a lot and, of course, I miss my yaya.
"She has told me before that she wants to come back to Singapore and she wants to visit me and my mom."
JOSEPH SCHOOLING'S "AUNTIE YOLLY"
Noong 2016, pinag-usapan din ang labis na pagmamahal at pagpapahalaga ng Olympian swimmer na si Joseph Schooling sa kanyang yaya na si Yolanda Pascual.
Read: Olympic swimming champ Joseph Schooling's nanny is a Filipina

"Auntie Yolly" ang tawag ng swimming champion sa yaya na mahal na mahal niya at inalagaan siya sa loob ng labinsiyam na taon kaya pangalawang ina rin ang kanyang turing.
Naranasan ni Auntie Yolly na maging celebrity tulad ng kanyang alaga dahil sa commercial video na ginawa nila ni Joseph noong 2015 para sa isang sikat na telecommunications company sa Singapore.
Read: Eight famous Filipina nannies of local and international celebrities