Naging maginoo lamang umano si Senate President Francis "Chiz" Escudero kay First Lady Liza Araneta Marcos.
Trending ngayon ang video ng dalawa dahil kinaaaliwan ito ng netizens na nagsasabing napagkamalan atang waiter ng asawa ni President Ferdinand Marcos Jr. ang bagong Senate President.
Read: Heart Evangelista all set to lead Senate spouses group
Nangyari ang insidente sa Vin d’Honneur sa palasyo ng Malacañang noong Miyerkules, Hunyo 12, 2024.
Malinaw na mapapanood sa viral video ang pagdating ng first couple sa lugar na pinagdausan ng Vin d’Honneur.
Nang lumapit ang First Lady kay Escudero, kinuha niya ang hawak na wine glass ng Senate President.
Ininom ng First Lady ang laman ng wine glass.

Ibinalik niya ito sa asawa ni Heart Evangelista, saka siya babati na sana sa ibang mga bisitang kinabibilangan ng foreign dignitaries.
Ngunit pagkatalikod niya kay Escudero, inabutan muna siya ng isa pang wine glass ng isang totoong waiter, na tinanggap naman niya.

Read: WHAT PEP KNOWS: Senator Chiz Escudero rushed to hospital because of a stroke?
SENATE PRESIDENT CHIZ ESCUDERO STATEMENT
Pulitikong-politiko naman ang sagot ni Escudero.
“I consider waiting on a lady to be gentlemanly," pahayag ng Senate President tungkol sa insidente.
"Maaaring sabihin ng iba na makaluma o parang under.
"Pero para sa akin, hindi kailanman magiging makaluma o di uso, anuman ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao,” pahayag pa ni Escudero.
Hindi naman malinaw kung ginawa ng senador mag-"waiting on a lady" dahil nakita niyang parang wala sa sarili ang Unang Ginang nang ininom nito ang mismong alak ng senador at kinuha pa ang alak na iniabot ng waiter.
Hindi kaya nininerbyos lang bahagya ang Unang Ginang kaya kumilos nang ganoon? At komportable naman siya kay Escudero kaya uminom siya mula sa baso nito? O siya ay nalibang lamang?
Hindi pa naglalabas ng reaksiyon ang First Lady Liza Marcos tungkol sa kanyang "wow mali moment" na pinag-uusapan.
Ang Vin d’Honneur ay salitang Pranses na "wine of honor" ang kahulugan.
Isa ito sa dalawang official receptions, tuwing Bagong Taon at Araw ng Kalayaan, na ang Pangulo ng Pilipinas ang host.