Ang mabigyan sila ng proyekto na kasama ang kapwa Filipino girl group na BINI ang isa sa mga pangarap ng magkakapatid na Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado, na higit na kilala sa pangalang 4th Impact.

Read: 4th Impact's next chapter unfolds; ready to conquer global stage once again
Unang nagkasama ang dalawang grupo sa kauna-unahan na Pinoy Pop Convention na ginanap sa Araneta Coliseum noong Abril 9 at Abril 10, 2022.
Mga papuri ang mga salita na binitiwan ni Irene para sa mga miyembro ng BINI.
"Way back noong nasa Philippines kami sa P-pop con, I think BINI was one na naging ka-close namin—sina Mikha, Jhoanna, Maloi.
"They’re so sweet po talaga. Noon pa man, magaganda na sila, mababait at very humble."
At sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng nangungunang girl group sa Pilipinas, sabi Irene:
"We’re just so happy as mga ate nila na talagang they’re reaping their hard work,” ang lahad ni Irene na sinang-ayunan ni Almira.
"Deserve naman po nila ‘yan.
"And if we’re given the chance to collab with them, it’s gonna be a dream come true for us kasi, di ba, po, yung makasama mo ang nation’s girl group, it’s been a dream po para sa amin."

Hindi malabo ang posibilidad na mangyari ang pangarap ng 4th Impact na makasama ang BINI sa isang proyekto, dahil sa sinabi ng U.S. based-concert promoter na si Vic Perez.
Ani Perez, "Actually, there’s a tour coming with BINI and we’re already sending our feelers if we can be given one opportunity to collab with them."
4TH IMPACT U.S. CONCERT
Si Perez ang tumutulong ngayon sa 4th Impact kaya unti-unti na itong nakikilala ng Filipino-American communities sa U.S.
Patunay nito ang Pinoy Champs, ang concert na pangungunahan ng grupo na magaganap sa Hunyo 21, 2024 sa Celebrity Centre, Las Vegas.
Ayon kay Almira, "Now that we’re given the chance to be in the mainstream, little by little, nangyayari po yung pangarap namin.
"Like I said, yung goals po namin is bigger dahil now, we’re not thinking of ourselves, ngayon po na Filipinos are really appreciating our talent, especially the Filipino community here in Las Vegas.
"Yung responsibility namin is not just to work hard for our family but to raise the Filipino talents sa world stage.
"Na sana po dumating yung time na Filipinos P-pop naman po yung tinitingala ng maraming tao, especially the Western people. “
"Yun po ang bigger goal namin ngayong magkakapatid—to raise the Filipino flag in the world stage."
Sabi naman ni Mylene, "Ipinagpe-pray po talaga namin na my God lead us to the right people with good and generous hearts.
"Sana po mabigyan kami ng chance to help other Filipinos to show their talent and be heard."