PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stell Ajero, ikinukumpara kina Charice at Jed Madela

Umpisa na ba ito ng international singing career ni Stell?
by Jojo Gabinete
Published Jun 20, 2024
stell ajero hitman concert
Stell Ajero of SB19 earns praises for his rendition of Celine Dion's "All By Myself" at David Foster's concert at Araneta Coliseum on June 18, 2024.
PHOTO/S: @stell16_ on Instagram

Ipinagdiwang ni SB19 member Stell Ajero ang kanyang ika-29 kaarawan noong Hunyo 16, 2024.

Ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga nanood ng Hitman: David Foster and Friends sa Araneta Coliseum noong Martes, Hunyo 18, ang isa sa mga hindi malilimutang regalo na kanyang natanggap.

Read: Stell, tumanggap ng standing ovation sa David Foster concert

STELL STEALS THE SHOW

Ang Hitman ang matagumpay na concert ng Canadian musician at songwriter na si David Foster.

May espesyal na partisipasyon dito ang kanyang asawa, ang American Idol runner-up na si Katherine McPhee; ang R&B and pop group na All-4-One; at ang singer-songwriter na si Brian McKnight.

Kasama rin sa Hitman ang Filipino singers na sina Joaquin Garcia at JV Decena na personal na pinili ni David para magtanghal sa kanyang concert.

Pero si Stell ang napansin at pinuri nang husto ng manonood.

Inimbitahan si Stell sa Hitman bilang opening act at tatlong kanta ang inawit niya—ang "All I Ask" ni Adele, "Defying Gravity" mula sa musical na Wicked, at ang kanyang debut single na "Room."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang awitin ni Stell ang mga nabanggit na kanta, tumanggap siya ng malakas na palakpakan mula sa manonood na hindi maipagkakailang tagahanga niya at ng SB19.

Pero matapos awitin ni Stell ang "All By Myself," na isang surprise number, binigyan siya ng standing ovation at malakas na palakpakan ng audience sa loob ng Araneta Coliseum.

Read: Stell Ajero “still shocked” by impromptu performance

david foster stell ajero concert
Stell Ajero performs "All By Myself" at David Foster's concert at Araneta Coliseum recently.
Photo/s: Smart Araneta Coliseum Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan ng market audience ni David ay mga senior citizen at ang manonood na pormal ang mga kasuotan.

Kabilang sa mga pinahanga ni Stell sa husay niya sa pagkanta sina TV5 chairman Manny V. Pangilinan, ang mag-asawang Jorge Araneta at Stella Marquez de Araneta, ang talent manager na si Veana Fores, si Senator Raffy Tulfo, ang mWell president na si Chaye Cabal-Revilla, at ang executives ng iba’t ibang malalaking kompanya sa Pilipinas.

STELL BEING COMPARED TO CHARICE

Nakita ng mga nanonood ng Hitman na may kakayahan si Stell na maging kaboses ni Celine at ng King of Pop na si Michael Jackson nang kantahin niya ang "All By Myself" at ang "Room", respectively.

Ang hindi malilimutang pagtatanghal ni Stell sa Hitman ang isang dahilan kaya naalaala ng manonood si Charice, na maraming beses nakasama ni David sa Hitman at nakatanggap din noon ng mga papuri dahil mahusay na pag-awit niya ng "All By Myself."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga nanghihinayang kay Charice dahil malaki ang epekto sa singing career nito ng kanyang desisyong yakapin ang katauhan ni Jake Zyrus.

Walang dapat panghinayangan ang mga nakakaalaala kay Charice dahil higit na masaya ito sa kanyang piniling desisyon.

Read: Raquel Pempengco says "nothing compares" to Charice's singing after watching David Foster's concert

Dahil sa mataas na timbre ng boses ni Stell, may mga nagkumpara rin sa kanya kay Jed Madela.

Hindi dapat pagkumparahin ang dalawa dahil may kanya-kanya silang katangian sa pagkanta.

At bilang mang-aawit, si Jed ang isa sa mga inspirasyon ni Stell, na hinangaan dahil sa pagkakaroon ng heavenly voice.

Umaasa naman ang mga tagahanga at tagasuporta ni Stell na ang malaking pagkakataong ipinagkaloob ni David—ang biglaang pagpapakanta sa kanya ng "All By Myself" sa Hitman ang umpisa para magkaroon siya ng international singing career.

View this post on Instagram

A post shared by Stell Ajero (@stell16_)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stell Ajero of SB19 earns praises for his rendition of Celine Dion's "All By Myself" at David Foster's concert at Araneta Coliseum on June 18, 2024.
PHOTO/S: @stell16_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results