Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng singer na si Sheena Palad dahil sa inasal niya sa live telecast ng "Beat My Birit" segment ng TiktoClock noong Hunyo 19, 2024, patuloy pa rin ang mga batikos laban sa kanya.
Read: Sheena Palad breaks silence on Eva Darren-FAMAS issue
"Soldiers" ang tawag ni Sheena sa mga tagahanga nito, at ito ang mensahe ng paumanhin na kanyang inilabas matapos mapanood sa telebisyon ang ginawa niya sa kapwa "Tanghalan ng Kampeon" contender na si Rica Maer:
“Hi Soldiers, Magandang gabi po sa inyo. I would like to say sorry for disappointing you with my actions kanina sa 'Beat My Birit.'
“Hindi ko naman po alam kung paano ko i-eexplain ang sarili ko HAHHAA pero manghihingi lang din po ako ng Panalangin sa inyong lahat.
“If you guys have any questions regarding the situation. I will answer them. Let me know as well. How I can pray for you.”
Hindi pinalad manalo si Sheena sa singing competition ng morning show ng GMA-7.

Ang mga masasakit na paghusga kay Sheena ang dahilan kaya deactivated ang comments section sa kanyang Instagram account.
THE VIRAL VIDEO
Ang pagtampal sa ulo — hindi pambabatok tulad ng maling akala ng netizens dahil sa ulo at hindi sa batok tumama ang kamay ni Sheena — at paghila sa buhok ni Rica ang ugat ng mga pagtuligsa sa kapatid ni Felson Palad, asawa ng aktres na si Donita Rose.
Read: Felson Palad cries foul over bashing against sister Sheena
Nakunan ng video ang nagulat na reaksiyon ng TiktoClock co-host na si Pokwang sa pagtampal ni Sheena sa ulo ni Rica. Labis na nadala ng emosyon si Sheena habang kumakanta sa "Beat My Birit" segment ng programa.
Live na napanood ang TiktoClock noong Miyerkules kaya walang pagkakataong alisin ang eksenang ginawa ni Sheena.
Pero pagkatapos ng kanilang production number, kinausap sila ng production staff.
Hindi umano minasama ni Rica ang makatotohanang "pananakit" sa kanya ni Sheena, pero ang netizens ang nagalit dahil sila ang nainsulto at hindi natuwa sa inasal niya.
Tumatanggap ngayon ng matinding batikos si Sheena mula sa netizens:



THE FAMAS CONTROVERSY
Unang umingay ang pangalan ni Sheena nang siya ang ipalit sa veteran actress na si Eva Darren bilang award presenter sa 72nd FAMAS na naganap noong Mayo 26, 2024, sa Manila Hotel, Maynila.
Kahit walang kasalanan si Sheena sa nangyari, nakatikim din siya ng masasakit na salita mula sa netizens.
Muling binubuhay ng netizens ang isyu dahil sa ugaling kanyang ipinamalas sa "Beat My Birit" at sa akusasyong “pananakit at panghihiya” niya kay Rica.