Si Charice Pempengco ang muse ni David Foster sa mga pagtatanghal ng Hitman: David Foster and Friends noong 2010 at ng mga sumunod na taon.
Tumanggap si Charice ng mga papuri mula sa mga tumangkilik noon ng Hitman dahil sa kakaibang tunog ng kanyang singing voice at sa mahusay na pagkanta niya sa sariling bersiyon ng "All By Myself," na pinasikat ng singer na si Celine Dion.
Kilala na ngayon si Charice sa kanyang bagong katauhang si Jake Zyrus.
Read: David Foster aims to build up Charice as the "first true Asian world superstar"
Pinag-uusapan at pinupuri sa kasalukuyan ang SB19 vocalist at member na si Stell Ajero.
Gaya ni Charice, ipinamalas niya ang galing sa pag-awit ng "All By Myself" sa kanyang surprise number sa Hitman na itinanghal sa Araneta Coliseum noong Hunyo 18, 2024.
Read: Stell, tumanggap ng standing ovation sa David Foster concert
RAQUEL PEMPENGCO REACTS TO STELL'S PERFORMANCE
Ang mga papuring natatanggap ni Stell ang rason kaya hindi napigilan ni Raquel Pempengco, ina ni Charice, na pabirong magkomento tungkol dito.
Facebook post ni Raquel ngayong Biyernes ng umaga, Hunyo 21, 2024 (published as is):
“Gulatin mo din mga tao…mag-Charice Pempengco ka ulit…hahaha joke lang pero in fairness magaling si Stell Ajero…mala-Jed Madela din but still don’t compare with Charice.”
Read: Stell Ajero, ikinukumpara kina Charice at Jed Madela
May pakiramdam si Raquel na may mga hindi papabor sa opinyon nito kaya inunahan na niya ang kanyang bashers (published as is): “Oops just saying lang ha…It’s my own opinion…Dadami n naman busher ko…Peace yow!”'
Inaasahan ni Raquel na posibleng pag-initan siya muli ng netizens.
Noong 2023, binatikos siya nang sabihin niya ang saloobin tungkol sa pag-awit ni Morissette Amon ng "I Will Always Love You" at "I Have Nothing" sa Hitman: David Foster and Friends, na itinanghal sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino noong Marso 2023.
Ang mga nabanggit na kanta ni Whitney Houston ang mga inaawit ni Charice noong bahagi pa ito ng concert series ni David.
Dinurog nang husto ng bashers si Raquel dahil sa kanyang socia media post noon: “Talagang wala pa ring ipapalit sa Alaska.
“Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF [David Foster]…Sinabi ko naman sa inyo noon pa... nag-iisa lang ang boses na yan.
“Kahit kanino mo pa ipakanta yang song mo.. Di mabibigyan ng hustisya. NO GOOSEBUMPS. NO STANDING OVATION... Nothing compares...Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco.”
Read: Raquel Pempengco says "nothing compares" to Charice's singing after watching David Foster's concert
Ngayong 2024, muling sinabi ni Raquel na huwag ikumpara si Stell sa kanyang anak, na isa nang ganap na transman, na maaaring umani ng sari-saring reaksiyon mula sa mga taong hindi sang-ayon sa pahayag niya.