Kasalukuyang nagaganap ang koronasyon ng Miss Manila 2024 sa Metropolitan Theater ngayong Sabado ng gabi, Hunyo 22, 2024.
Mga host sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel.
Read: Xena Ramos, lone showbiz candidate for Miss Manila 2024
Dalawampu’t apat ang opisyal na kandidata ng Miss Manila 2024.
MISS PANDACAN STEALS THE SHOW
Sa labindalawang semifinalists, ang kinatawan ng Pandacan na si Estephanie Ladignon ang instant crowd favorite dahil sa sagot niya nang tanungin siya ni Catriona ng “Who or what is your spirit animal?”
Halata sa sagot ni Miss Pandacan ang pagiging tensiyonado. Nagpakatotoo rin siyang hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng "spirit animal."
“Oh, I think my spirit animal is something that I… I think that my spirit animal is…
"Oh my God, I am so tensed at this moment!
“What’s the spirit animal, to be honest?” walang pagpapanggap na balik-tanong niya.
Sagot ni Catriona, “It could be something that maybe reflects your personality.”
Dagdag naman ni R'Bonney, “Or your favorite animal.”
“Okay, okay!” reaksiyon ni Miss Pandacan.
Pagkatapos nito ay sinagot na niya ang tanong.
“So my spirit animal, I think, is a monkey! Okay, I think a monkey is very fun so that’s something that describes me.
"Thank you so much for that. I was so tensed, this is to show my personality!
"I was so tensed!" kinakabahan pero may kumpiyansang pahayag ni Ladignon
Pinalakpakan ng MET audience si Miss Pandacan dahil natuwa sila sa ipinakita niyang katapatan.
Nakangiting reaksiyon ni R'Bonney, “You did it, girl. Congratulations!
"I enjoy that. I love it. I love monkeys. Oh my gosh… great answer.”
Unfortunately, hindi sapat ang "moment" ni Miss Pandacan para makapasok siya sa Top 5.
Ang mga maglalaban-laban para sa Miss Manila 2024 crown ay sina Miss España Jubilee Acosta, Miss Manuguit Leean Jamie Santos, Miss Sta. Ana Xena Ramos, Miss Sta. Cruz Aliya Rohilla, at Miss Tayuman Daniella Moustafa.
Sa huli, ang kinoronahang Miss Manila 2024 ay si Miss Sta. Cruz Aliya Rohilla.
Read: Gabrielle Lantzer of Malate crowned Miss Manila 2023

JANINA SAN MIGUEL MOMENT?
Ang inasal ni Miss Pandacan ang nagpaaalala sa karamihan sa karanasan ni Janina San Miguel nang sumali ito sa Binibining Pilipinas 2008.
Natensiyon din si Janina sa question-and-answer portion, pero better version niya si Estephanie.
Read: Remember when Janina San Miguel won the Binibining Pilipinas-World title
Kabilang sa mga hurado ng Miss Manila 2024 sina ABS-CBN executive Charo Santos-Concio, GMA Films and GMA Worldwide President Annette Gozon-Valdes, at Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo.
Mapapanood ang delayed telecast ng Miss Manila 2024 sa GMA-7 sa Linggo ng 2 P.M., Hunyo 23.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng 453rd founding anniversary sa Hunyo 24 ng lungsod ng Maynila kaya special holiday o walang pasok ang mga paaralan at opisina sa naturang siyudad.