PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dalawang showbiz personalities, may hidwaan dahil sa pera

Showbiz Personality A, inaakusahang nagbago ang ugali.
by Jojo Gabinete
Published Jun 23, 2024
blind item on couple breaking up
PHOTO/S: hiclipart.com

Malalim ang tampuhan ng dalawang showbiz personalities na malapit sa isa’t isa. Pero hangga’t makakaya, pilit nilang inililihim sa publiko ang kanilang hidwaan.

May kinalaman sa pera ang ugat ng hindi pagkakaunawaan ng mga showbiz personality na ito.

Read: Aktres, malalim ang galit sa aktor na katrabaho sa teleserye

Hindi pumayag si Showbiz Personality A na maging guarantor o tagapanagot sa negosyong balak itayo ni Showbiz Personality B.

Bukod sa masinop sa pera, pinaghirapan ni Showbiz Personality A ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon kaya maingat na maingat siya sa paggastos.

Minasama ni Showbiz Personality B ang pagtanggi ni Showbiz Personality A na tulungan siya sa ipinupundar niyang negosyo, at ito ang pinagmulan ng kanyang malalim na tampo.

Apektadong-apektado si Showbiz Personality A sa nabahiran ng lamat na dating magandang relasyon nila ni Showbiz Personality B, kaya sensitibo at napapaluha siya kapag pumapasok sa isip niya ang nangyari.

Read: Two-timing actor, nasampal ng controversial personality

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadagdag sa sakit ng kalooban na nararamdaman ni Showbiz Personality A dahil sa paningin ng mga kumakampi kay Showbiz Personality B, siya ang may pagkakamali at nagbago ang ugali.

Pero pinoprotektahan lamang ni Showbiz Personality A ang kanyang mga pinaghirapang ari-arian at inipong pera.

Pilit na itinatago ng dalawa ang sigalot sa kanilang pagitan, pero marami na ang nakakaalam nito dahil walang sikreto sa showbiz na hindi nabubunyag, lalo na kung ang mga katulad nilang parehong aktibo sa pag-arte ang mga sangkot sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: hiclipart.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results