Kinaaliwan ang sagot ni David Licauco nang maging kalahok ito sa Kapuso game show na Family Feud noong Enero 8, 2024 dahil sa kanyang sagot.
Fill in the blanks ang hamon ni Family Feud host Dingdong Dantes nang sabihin nito ang pangalang "Maria" na sinagot ni David ng “Ozawa.”
Hindi lamang ang mga kakampi ni David ang natawa sa sagot nito dahil naaliw rin ang televiewers na binigyan ng malisya ang pagsasabi ng aktor sa apelyido ng sikat na dating Japanese adult actress.
Read: David Licauco kinakantiyawan dahil kay "Maria Ozawa"

“He’s so cute,” reaksiyon ni Maria nang mapanood nito ang viral video ng pagsali ni David sa game show ng GMA-7 at pagbanggit sa family name niya.
Read: Maria Ozawa reacts to David Licauco's viral Family Feud answer
DAVID LICAUCO GETS TO WORK WITH MARIA OZAWA
Makalipas ang ilang buwan, hindi lamang basta nagkita sina Maria at David dahil nabigyan pa sila ng pagkakataong makatrabaho ang isa’t isa.
Ito ay sa pamamagitan ng Pulang Araw, ang historical action-drama primetime series ng Kapuso Network na mapapanood simula sa Hulyo 29, 2024.
Pero una itong ipalalabas sa Netflix sa Hulyo 26.
Read: Pulang Araw ng GMA-7, unang mapapanood sa Netflix

Isang sundalong Hapon na nagngangalang Hiroshi Tanaka ang karakter na ginagampanan ni David sa Pulang Araw.
Si Maria ang gumanap na Japanese mother niya.
Bago pa man sumali si David sa Family Feud, kasali na talaga ang pangalan ni Maria sa mga pinagpipilian para gumanap na nanay niya sa Pulang Araw.
Ito ay kahit walong taon lamang ang agwat ng kanilang mga edad—30 years old ang Filipino-Chinese actor at 38 years old ang Japanese-Canadian adult star.
Tiyak na pag-uusapan ang pagganap nina David at Maria bilang mag-ina sa Pulang Araw dahil sa nag-viral na eksena ng aktor nang maglaro ito sa Family Feud.
Hindi lamang si Maria ang Japanese personality na kasama sa cast ng Pulang Araw.
Ang Japanese actor na si Jacky Woo naman ang gumanap na tatay ni David sa period drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan din nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, at Dennis Trillo.
Read: David Licauco excited for upcoming teleserye Pulang Araw