Ipinagpaliban ni Katya Santos at ng kanyang fiancé na si Paolo Pilar ang kanilang planong pagpapakasal dahil gusto muna nilang magkaanak.
Nangyari ang marriage proposal ni Paolo kay Katya sa Hakone, Japan, noong Enero 2024.
Read: Katya Santos now engaged to non-showbiz boyfriend

Pero nagsimula na noong Mayo 2023 ang in vitro fertilization (IVF) procedure sa aktres na naghahabol sa oras dahil 42 years old na siya.
May anak na babae si Katya sa dating karelasyon niya, pero gustung-gusto nila ni Paolo na magkaroon pa ng isang anak.
Read: Katya Santos undergoes IVF treatment: "Hopefully, by next year, magka-baby na ulit."
KATYA AND PAOLO WANT TO HAVE A BABY
Sa panayam ni Katya sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, Hunyo 26, 2024, ibinahagi niya ang mga hamong pinagdaraanan para matupad ang pangarap nila ni Paolo na mabiyayaan pa ng anak.
“We’re trying to have the baby. It’s very, very challenging,” sabi ni Katya.
Bukod sa desisyong ipagpaliban muna ang pagpapakasal, pansamantalang tinalikuran ni Katya ang showbiz career para sa kanyang hinahangad na pagbubuntis.
Sa isang panayam noong Marso 2024, nabanggit ni Katya na may dalawang embryo na siya kaya ipinagdarasal niyang matuloy sa susunod na buwan, Hulyo 2024, ang pagtatanim sa kanyang sinapupunan ng harvested eggs.
Natatawang sinabi ni Katya na hindi masakit ang IVF procedure, pero mas masakit para sa kanya ang malaking gastos.
“It’s not painful, but I think yung gastos ang painful. It’s very draining physically, emotionally, and financially,” ani Katya.
Read: Katya Santos on her broken marriage: "Akala ko fairytale. Naku, it's a nightmare!"
Isiniwalat din ng aktres na nagpupunta sila sa iba’t ibang mga simbahan para magdasal dahil sa kanilang paniniwalang malaki ang maitutulong ng Panginoong Diyos para matupad ang kahilingan nila ni Paolo.
“Nag-alay na po ako ng itlog sa Sta. Clara and then kay Padre Pio.
"Every Wednesday, nagsisimba po kami sa Christ The King, hindi ko pa po napupuntahan yung Pink Sisters.
“Marami pa po kaming pupuntahan. Gusto po naming puntahan yung Obando,” rebelasyon ni Katya.
Si Sta. Clara ang patron saint ng bayan ng Obando sa Bulacan.
Kasilonawan ang tawag sa tatlong araw na kapistahan sa Obando mula Mayo 17 hanggang Mayo 19.
Dinarayo ito ng mga mag-asawang walang anak, nagdarasal, at sumasayaw sa pag-asang tutuparin ni Sta. Clara ang kanilang mga kahilingan.