PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler, tahimik sa mga patutsada ni Nadia Montenegro

Baron Geisler, ni-like ang post tungkol kay Nadia Montenegro.
by Jojo Gabinete
Published Jun 27, 2024
nadia montenegro baron geisler issue
Baron Geisler has yet to issue a statement about Nadia Montenegros's tirades about him being the biological father of her youngest daughter.
PHOTO/S: YouTube

Hindi pa naglalabas ng kanyang panig si Baron Geisler kaugnay ng pagsasalita ni Nadia Montenegro tungkol sa bunsong anak ng aktres na si Sophia Angela.

Read: Nadia Montenegro finally speaks up about alleged daughter with Baron Geisler

Pero ni-like ni Baron ang Instagram post ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Hunyo 26, 2024, tungkol sa artikulo ng panayam ni Nadia.

nadia montenegro baron geisler
Baron Geisler likes PEP's Instagram post about Nadia Montenegro.
Photo/s: Screen grab from PEP Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Sophia ang 17-year-old daughter ni Nadia na nasa sentro ng kontrobersiya ngayon matapos lumabas ang panayam ni Julius Babao sa kanyang ina noong Hunyo 25, 2024.

Hindi man direktang binanggit ni Nadia ang pangalan ni Baron, nagbigay siya ng pahiwatig na ang aktor nga ang biological father ng kanyang bunsong anak na babae.

Isinilang si Sophia noong Agosto 2006.

Lumalabas na 24 years old si Baron nang maging ama ito, at 34 years old naman si Nadia nang ipagbuntis nito ang bunsong anak.

BARON GEISLER'S REVELATION

Nakumpirma ng publiko ang katotohanang matagal itinago dahil sa rebelasyon ni Baron sa isang interbyu noong Marso 2024 na may anak siyang babae na hindi niya nakapiling.

Read: Baron Geisler regrets missed years with first daughter: "I didn't get to hug her"

Walang binanggit na pangalan ang 42-year-old na ngayong aktor.

Pero pinaghinalaang si Nadia at ang bunsong anak nito ang kanyang tinutukoy dahil bumalik sa alaala ng mga mahihilig sa showbiz scandal ang kontrobersiyang ibinulgar ng veteran entertainment columnist at host na si Cristy Fermin noong Setyembre 2008.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nadia Montenegro: "Napakasinungaling talaga ng Cristy Fermin na ‘yan! "

Makalipas ang labing-anim na taon, isiniwalat ni Nadia ang katotohanan sa kanyang pakikipag-usap kay Julius. Pero ni minsan, hindi niya binanggit ang pangalan ni Baron.

Ramdam sa mga binitiwang salita ni Nadia ang sama ng loob nito laban kay Baron.

Bahagi ng pahayag ni Nadia, “Isang beses pa lamang sila nagkita, biglang in-announce na agad. So, asan dun ang intensiyon mo?

"Magkaroon ng relationship o gusto mo lang ang views? Gusto mong mapag-usapan o gusto mong mag-promote?

"Ilagay mo sa tama kung ano ang intensiyon mo kasi ramdam na ramdam ko."

Sa interbyu kay Baron noong Marso 2024, hindi rin siya nagbanggit ng mga pangalan, pero pinuri niya ang mga nag-alaga at nagpalaki sa kanyang estranged daughter.

Sabi ni Baron, “Pinalaki siyang maayos ng mama at papa niya.

“She’s a very bright kid; hindi nagmana sa akin. Looks lang.

“Happy ako na lumaki siyang hindi niya naranasan yung kapangitan ng ugali ko, kabulastugan ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero, lonely and sad [ako] because I didn’t get to hug her or see her grow up, or talk to her, or play with her.

“But you know, I always believe that everything happens for a reason.”

Read: Cristy Fermin, hindi na nagulat sa pag-amin ni Nadia Montenegro na may anak siya kay Baron Geisler

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler has yet to issue a statement about Nadia Montenegros's tirades about him being the biological father of her youngest daughter.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results