Lingid sa kaalaman ng publiko, apat na taon nang kasal ang aktor na si Rafael Rosell.
Nangyari ang pagpapakasal ni Rafael sa kanyang misis na si Valerie Chia sa pamamagitan ng isang civil cermony na ginanap sa tahanan nila sa New Manila, Quezon City, noon pang April 20, 2020.
“Dalawa lang kami," sabi ni Rafael sa Cabinet Files tungkol sa pag-iisang dibdib nila ni Valerie na naganap noong kasagsagan ng coronavirus pandemic.
“We’re happy. Para kaming two-income couple na ini-enjoy lahat.”
Read: Pagbabalik sa GMA-7, isang malaking karangalan daw kay Rafael Rosell
RAFAEL ROSELL ON GETTING MARRIED DURING PANDEMIC
Sa panayam naman sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes ng hapon, Hunyo 27, 2024, tinanong si Rafael kung may plano na sila ni Valerie na magkaroon ng anak,
“Maybe in two years,” sagot ni Rafael.
Ninanamnam daw nilang mabuti ng kanyang asawa ang kanilang pagsasama nang silang dalawa muna.
"It’s a tough job," pagsasalarawan naman ni Rafael tungkol sa bagong yugto ng kanyang buhay.
“It’s something we decided nung 2020, we signed the papers just between us noong April 20, 2020."
Bakit April 20, 2020 ang napili nilang petsa ng kanilang kasal?
Paliwanag ni Rafael, “It’s a special date, special number for us.
"Nagkataon lang talaga na nagka-COVID at pandemic nung time na yon, but we decided to still push through [with the wedding].
"All the way up to April, naka-on pa rin yung wedding invitations. Until we decided mid-April to cancel na talaga. Naka-mask na lahat, extreme lockdown.
“Hindi na namin itinuloy yung ceremony. But the signing of the papers, itinuloy namin.”
Ayon kay Rafal, may plano silang magdaos ng wedding ceremony para sa kanila ni Valerie dahil sa mga mahal nila sa buhay.
“Eventually, na-realize namin na yung ceremony is for everyone.
"For us, we’re happy the way it is talaga, so I think we owe them pakain,” sabi ng aktor.
Read: Former Kapuso Rafael Rosell considers ABS-CBN the "best channel"
RAFAEL ON SAYING "I LOVE YOU"
Ibinahagi rin ng isa sa mga bida ng Widows War ng GMA-7 ang kuwento tungkol sa kanyang mga napagtanto kaya si Valerie ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay.
Lahad ni Rafael: “Sinabi ko kasi dati na parang it used to be so easy for me to just bitawan yung ‘I love you’ na three words sa mga partner ko.
"Pero sa relationship ko ngayon, parang ang hirap sabihin yung totoong nararamdaman mo.
“Like, when you feel something so intense, ang hirap palang sabihin sa totoong buhay kasi totoong-totoo, e.
“So between us, we don’t usually say 'I love you.' Parang alam ko na without her saying it. It’s very interesting.
“Kasi sa amin, nabanggit namin at least once or twice, pero alam mo yung nakakahiya.
"But we’re very expressive, very malambing."
Pagpapatuloy ni Rafael, “Dati, nung na-in love ako, it used to be ‘Yehey, I’m in love. Such a great feeling.’ That’s what we usually feel, di ba?
"Pero when I realized I was in love with her, it was like, ‘Oh no, guys, I think I’m in love. This is gonna be hassle.'
“Alam ko na isa-sacrifice ko yung kaligayahan ko para sa kanya. Yung mga kagustuhan ko na alam ko na mas ibibigay ko sa kanya.
"So, mas hassle talaga kasi wala, e, love mo na.”
"#hassle" at "#letseka" ang hashtags ni Rafael dahil talagang nabihag daw ni Valerie ang kanyang puso.
Read: Rafael Rosell, pursigidong maisabatas ang legalization ng medical marijuana