Dumating sa Pilipinas ang Thai actor na si Max Nattapol nitong Lunes ng hapon, Hulyo 1, 2024, para dumalo sa red-carpet premiere ng Kuman Thong sa Cinema 6 at Cinema 7 ng SM North, sa Quezon City, ngayong gabi.
Read: Max Nattapol, dadalo sa red carpet premiere ng Kuman Thong
Sandaling- sandali lamang ang pananatili ni Max sa ating bansa dahil babalik agad siya sa Thailand sa Martes, Hulyo 2.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Max, sinabi nitong hindi siya maaaring magtagal sa Pilipinas dahil may shooting siya para sa kanyang bagong proyekto sa Thailand.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng media na makausap si Max ilang oras bago nagsimula ang red-carpet premiere ng Kuman Thong.
Natawa ang lahat sa kanyang sagot na “Yes, of course!” nang tanungin kung handa ba siyang gumawa ng pelikula para sa Vivamax.
“Sexy movies? Oh wow! Okay,” nagulat at natawang reaksiyon ni Max nang ipaliwanag sa kanya na sexy movies ang mga proyekto ng Vivamax.
Pero ipinaalaala ni Max sa mga kausap niya na reporters na ang BL series na kanyang pinagbidahan noon, ang Bad Romance, ang kauna-unahang BL series sa Thailand.
“I did BL movies six years or seven years ago. We are really the first BL movie in Thailand,” sabi niya.

MAX NATTAPOL ON XIAN LIM
Para kay Max, isang malaking karangalan na siya ang napiling gumanap sa importanteng karakter sa Kuman Thong.
Read: Thai star Max Nattapol Diloknawarit, bida sa pelikula ni Xian Lim
Ikinuwento ni Max na guest role lamang ang dapat na partisipasyon niya sa pelikula. Pero nang makita siya ni Xian Lim, ito ang nagdesisyong ibigay sa kanya ang isa sa mga pangunahing karakter.
Si Xian ang sumulat ng kuwento at direktor ng Kuman Thong.
Walang kamalay-malay si Max na sikat na artista sa Pilipinas si Xian. Nalaman niya ito mula sa child actress na si Althea Ruedas, ang kanyang co-star sa pelikula ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa Hulyo 3, 2024.

“I don’t have any idea. Althea talked to me, ‘You know him? He’s very famous in the Philippines.’
“I said, Really?' I didn’t meet him before but he knows my friend Lilia. He once shoot a music video with her. I just know him the guy from the music video.
“Xian is very kind and warm. As a director, he knows what he was doing,” sabi ni Max tungkol kay Xian.
Nagpahayag si Max ng interes na gumawa ng BL series sa Pilipinas, pero ayaw niyang si Xian ang kanyang makapareha.
“I want Xian to direct it,” paglilinaw ni Max.
Nabanggit ni Max na bumisita na ito sa Pilipinas, anim na taon na ang nakararaan dahil nagkaroon siya noon ng fan meet para sa mga Pilipinong tumangkilik sa Bad Romance.
Ang sincerity ng ating mga kababayan ang isa sa mga hindi niya malilimutan.
Nagmarka rin sa isip ang kinain niya noong masarap na Filipino dessert, ang “Ola-Ola.”
Muling natawa si Max nang sabihin ng kanyang mga kausap na halo-halo at hindi “ola-ola” ang tinutukoy niyang panghimagas.