Hindi na itinatago nina Xian Lim at Iris Lee ang kanilang relasyon dahil magkahawak-kamay silang dumalo sa red-carpet premiere ng horror film na Kuman Thong, na ginanap sa SM North Cinema, sa Quezon City, ngayong Lunes ng gabi, Hulyo 1, 2024.
Si Xian ang direktor at sumulat ng script ng Kuman Thong, habang ang kanyang girlfriend na si Iris ay associate producer.
Read: Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline
Kahit pinagkakaguluhan si Xian ng kanyang mga tagahanga, asikasong-asikaso niya si Iris at halos hindi sila naghihiwalay.
Pinagbigyan din nila ng hiling ng fans na na magpakuha ng litrato na kasama sila, isang indikasyong hindi na inililihim nina Xian at Iris ang kanilang pagmamahalan.
Read: Xian Lim finally confirms real score with Iris Lee

KUMAN THONG SCARE FACTOR
Maligayang-maligaya si Xian Lim dahil sa mainit na pagtanggap ng manonood sa horror film na idinirek niya.
Ipinalabas ang Kuman Thong sa SRO (standing room only) crowd sa dalawang sinehan, Cinema 6 at Cinema 7, dahil napuno ng manonood ang mga nabanggit na sinehan. Ang iba sa kanila ay nakaupo na lamang sa sahig.
Mga bida ng pelikula sina Cindy Miranda, ang mga child actor na sina Althea Ruedas at Emman Esquivel, ang Thai actor na si Max Nattapol, at ang Thai actress na si Jariya Therakaosal.
Nagpakita ng husay sa pag-arte sina Cindy, Althea, Emman, at Max sa lahat ng kanilang mga eksena.
Pero kapansin-pansin ang galing ni Jariya sa pagganap, kahit wala itong karanasan sa pag-arte dahil unang pelikula niya bilang aktres ang Kuman Thong.
Malakas makagulat ang mga eksena ng Kuman Thong.
Pinatunayan ni Xian na bilang direktor, may kakayahan siyang gumawa ng isang horror movie na maganda ang cinematography at literal na madugo ang mga eksena.
Tatlong lengguwahe ang ginamit ng mga karakter ng pelikula—Tagalog, Thai, at Ingles—na mauunawaan ng manonood dahil sa inilapat na English subtitles.
Read: Xian Lim, magdidirek ng horror movie tungkol sa burnt fetus sa Thailand