PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz personality, totoong nagtangkang lumipat ng network

Kampo ng showbiz personality at lilipatang TV network, di nagkasundo.
by Jojo Gabinete
Published Jul 2, 2024
blind item showbiz personality
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Kinumpirma ng isang nakakaalam sa kuwento na totoong nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng mga executive ng isang TV network at sa kampo ng kontrobersiyal na showbiz personality para sa paglipat nito.

Pero humantong sa wala ang kanilang pag-uusap.

Read: Showbiz personality, iiwan ang kasalukuyang istasyon?

Hindi nagkasundo ang magkabilang-panig.

Hindi maibibigay ng TV network management ang ilan sa mga hinihiling ng namamahala sa showbiz career ng artistang muntik-muntikan nang umalis mula sa kanyang home studio.

At dahil walang nangyari sa sikretong negosasyon, mananatili ang showbiz personality sa TV station na nagsilbing pangalawang tahanan niya.

Maaaring itanggi ng kampo ng showbiz personality ang naganap na lihim na pag-uusap, pero mapatutunayan ito ng mga tauhan ng TV network na kasali at saksi sa nabasurang negosasyon.

Read: Aktor, dyinowa ang kaibigan ng kanyang girlfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results