Proud senior citizen ang singer na si Louie Heredia.
Nagdiwang siya ng kanyang ika-60 kaarawan sa Bangkok, Thailand, noong Hulyo 3, 2024.
Read: Louie Heredia gives Nate Alcasid airplane seats as a gift
Si Louie ang umawit ng mga sikat na kanta noong dekada ’80 gaya ng "Nag-iisang Ikaw," "Iisang Damdamin," at "Una’t Huling Mamahalin."
Ang popularidad ni Louie ang naging daan para kunin siyang co-host ng Lunch Date, ang noontime show ng GMA-7 na napanood mula Hunyo 9, 1986 hanggang Marso 19, 1993.
Read: Louie Heredia reunites with his Lunch Date co-hosts after 24 years
Matagal nang hindi aktibo si Louie sa entertainment industry pero buhay na buhay pa sa alaala ang mga awit na pinasikat niya.
“A big no!” ang sagot ni Louie nang itanong ng Cabinet Files kung may interes pa rin siyang balikan ang pagkanta na isang malaking bahagi ng kanyang buhay.
“I am enjoying my life as a normal person na. The celebrity life of Louie Heredia is over na.
"But, I guess, I will always be known as Louie H. because they consider me as an OPM icon because of my hit songs,” pahayag ni Louie nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Linggo, Hulyo 7, 2024.
LOUIE HEREDIA AT 60
Hindi nakapagtatakang pinili ni Louie na ipagdiwang ang kanyang 60th birthday sa Bangkok dahil isa ito sa mga paborito niyang siyudad.
Lumipad si Louie at ang kanyang malalapit na kaibigan sa Thailand para sa selebrasyon ng importanteng araw ng buhay niya.
Kabilang sa mga bisita ni Louie sa birthday party nito na ginanap sa Shangri-La Hotel Bangkok ang businessman na si Ben Chan, broadcaster Korina Sanchez, fashion designer Francis Libiran, talent manager Jojie Dingcong, at ang Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip.

“I love Thailand, Bangkok in particular, plus it's near Manila. Very accessible to come most especially for my guests. The best food too!
“I love the food, the people, the vibe.
"It's near Manila and it's what Manila or the Philippines should have been.
"I hear we are about 50 years behind,” sabi ni Louie.
Ano ang pakiramdam na 60 years old ka na?
“I don't want to feel old because I am young at heart and childlike like what Shawie [Sharon Cuneta] tells me, and it is true!
“But I am excited to the privileges I will be receiving as a senior citizen! Puwede na akong mag-weelchair sa NAIA,” pabirong sagot ni Louie.
Pero umamin ang dating singer na tumatanda na siya.
Saad niya, “I am excited but I realized I really am getting old na. I also remember my young days.
"Thankful too that my health is okay and that I still have hair on my head!"
May mga nararamdaman ka na ba sa katawan mo?
“Sometimes, but nothing major. Just had an executive checkup and my numbers were okay.” sabi ni Louie.
Hindi nagdalawang-isip si Louie nang tanungin ng Cabinet Files kung anong mga aral sa buhay na natutunan niya sa loob ng 60 taon.
Aniya, “To treasure everything around you and to be thankful for all the blessings given to me by God!”