“Nakakapagod din umungol.”
Ito ang nagbibirong pagtatapat ng sexy star na si Micaella Raz nang makausap siya ng Cabinet Files sa media conference ng Vivamax movie na Kaulayaw, ngayong Martes ng hapon, Hulyo 9, 2024.
Read: Angeli Khang at Robb Guinto, mapapanood na sa big screen
Tinanong namin kung gaano kahirap ang buhay ng isang sexy star na kagaya niya.
Sagot ni Micaella, “Mahirap talaga kasi, siyempre, yung figure. Unang-unang dapat maintained mo.
"Seksi ka talaga. Yung parang nakakaakit ka talagang tingnan sa mga eksena.”
Ayon kay Micaella, hindi madali ang umarteng umuungol na parang nasisiyahan sa kanyang ginagawa.
Iba raw ang pagod na nararamdaman niya kapag kinukunan ng direktor ang mga eksenang kailangan niyang umungol sa mga love scene na ginagawa nila ng kanyang mga kapareha.
“Nakakapagod din umungol," pag-amin niya.
"Minsan, tatakpan ko yung mukha ko kasi nakakapagod umungol. Yung ungol na masarap pero ang sakit na. Masakit sa lalamunan.
“Tinatakpan ko ang mukha ko kapag ramdam ko na yung pagod.
"Parang magha-hide ako. Aanggulo ako para ma-relax ko naman ang mukha ko.
“Ungol ka nang ungol, yung [kunwari] nasasarapan ka, pero in reality pagod ka na.
“So, sasabihin ko, 'Wait lang, ha.' Tago muna ako saglit tapos balik ako. Tapos, go, laban uli.”
Read: Vivamax, ano ang ambag sa entertainment industry?

NOT INFORMED ABOUT THE SCENE
Tumanggi na ba si Micaella na gawin ang mga eksenang labag sa kanyang kalooban o ginawa niya lang dahil kailangan pero hindi niya gusto?
“May scenario po na nakalusot ako kasi merong eksena na nalaman ko na lang the day na gagawin,” sagot ni Micaella sa tanong ng Cabinet Files.
“E, nagkasakit ako, so pinauwi ako. Hindi nagawa ang eksena.
"Pero hindi naman sa ayaw. Nagsabi po ako sa road manager ko na parang nabibigla ako na hindi ko alam, idinagdag [ang eksena] the day na gagawin.
“Hindi naman ako prepared. Kapag kasi alam ko na may gagawing eksena, daring scenes, pine-prepare ko po ang sarili ko — mentally, physically.
“Ayoko namang mabibigla ako dahil hindi ko rin naman magagawa nang maayos.”
Tampok din sa Kaulayaw si Robb Guinto. Mapapanood ito sa Vivamax simula sa Hulyo 15.