PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Member ng isang sikat na grupo, bagong hurado ng talent show

Sino kaya ang popular singer na ito?
by Jojo Gabinete
Published Jul 10, 2024
Blind Item
ILLUSTRATION: Igi Talao

Hindi na mapapanood sa susunod na season ng talent competition program ang isa sa mga hurado nito.

Papalitan siya ng isang mas batang singer na tiyak na ikagagalak ng mga tagasuporta at tagahanga nito.

Miyembro ng isang sikat na grupo ang nakababatang singer na magiging kapalit ng nakatatandang mang-aawit.

Read: Showbiz personality, iiwan ang kasalukuyang istasyon?

Inililihim muna ang kanyang nakatakdang pagpasok sa talent competition show na sinusubaybayan sa telebisyon.

THE ANNOUNCEMENT

May planong ianunsiyo sa publiko ang nalalapit na partisipasyon ng popular singer sa tinutukoy na programa sa isang concert na magaganap sa huling linggo ng Hulyo 2024.

Siguradong-siguradong ikatutuwa ng fans ng young singer ang balita dahil dalawa na ang sikat na entertainers na kanilang hinahangaan ang masisilayan sa bagong season ng reality talent competition na napapanood sa isang TV network.

Inaasahang malaki ang maitutulong ng bagong miyembro para lalong tumaas ang ratings ng talent competition show na sasalihan niya dahil sa popularidad na kanyang tinatamasa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dalawang showbiz personalities, may hidwaan dahil sa pera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results