Hindi tinapos ni Miss International 1979 Melanie Marquez ang programa at gabi ng koronasyon ng 60th Binibining Pilipinas noong Linggo, Hulyo 7, 2024, dahil sinumpong siya ng jet lag kaya antok na antok siya.
Matagal namalagi sa Utah, USA, si Melanie dahil binisita niya ang kanyang mga anak na sina Maxine at Abraham, pero bumalik siya sa Pilipinas noong Hulyo 6 para sa diamond jubilee ng Binibining Pilipinas.
Read: Binibining Pilipinas 2024 sidelights: sino ang mga agaw-eksena?
Hindi puwedeng mawala si Melanie sa 60th anniversary celebration ng Binibining Pilipinas dahil ito ang naging instrumento kaya nagkaroon siya ng international beauty title at international modeling career.

“I was incredibly jet-lagged. Hindi ko na kinaya na mag-stay 'til the end of the event.
"But I thank God that I was able to participate at the start of the program," paliwanag ni Melanie sa Cabinet Files tungkol sa pag-alis niya bago pa man ipinroklama ang mga bagong beauty queen ng Binibining Pilipinas na magiging kinatawan ng ating bansa sa Miss International at Miss Globe.
“It was a lovely evening,” pagpapatuloy ng kuwento ni Melanie.
“I was amazingly happy to see all my colleagues, from the past winners to the new generation of beauty queens. They all look outstanding and still remain beautiful.”
Read: Binibining Pilipinas 2024 winners
MELANIE MARQUEZ AND DAUGHTER MICHELLE DEE
Kasama ni Melanie na lumakad sa red carpet ng Binibining Pilipinas 2024 ang kanyang anak, si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Produkto si Michelle ng Miss Universe Philippines Organization, pero hindi ito naging hadlang para hindi niya suportahan ang kanyang ina na mula naman sa Binibining Pilipinas.
Ang pagsama ni Michelle kay Melanie sa malaki at magarbong okasyon ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang pagpapakita ng suporta sa nanay niya na sinuportahan nang husto ang kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines noong nakaraang taon.
Sa kanyang Instagram post, inilahad ni Michelle, “For me, it wasn’t just a night where legacies were celebrated but a full circle moment for a daughter who always dreamed to cheer her mom on live!”