PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Piem Acero, nawindang sa pagdidirek ng Vivamax movies

Bakit importanteng gumamit ng plaster sa love scenes?
by Jojo Gabinete
Published Jul 11, 2024
piem acero cast of init
Direk Piem Acero (left) on importance of using plaster in an intimate scene: “Para maiwasan yung mga nadadala sa eksena at yung mga nang-aabuso. Yung mga sinasamantala ang eksena." Inset photo: Direk Piem with Init stars Rash Flores, Dyessa Garcia, and Candy Veloso.
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram

Ang Init na pinagbibidahan nina Dyessa Garcia, Candy Veloso, at Rash Flores ang unang proyekto ni Piem Acero sa Vivamax bilang direktor.

Sa panayam sa kanya ng press sa mediacon ng Init, ipinakilala ni Piem ang sarili bilang matagal nang assistant director (mula pa noong 2006) ni Jerry Lopez Sineneng.

Read: Rash Flores, hindi nagreklamo sa pinutol na daring scene

Saad niya: “For the longest time, I’m an assistant director in ABS-CBN under the mentorship of director Jerry Sineneng. Sa kanya ako nahasa.

"Sanay po ako sa drama kaya nung nag-Vivamax ako, nawindang ako sa mga eksena, yung mga kailangan gawin.

“Nung lumipat siya [Direk Jerry] sa GMA-7, nag-GMA din ako.

"Pero nakapagdirek na ako sa ABS-CBN, yung Kadenang Ginto, mga episode ng Ipaglaban Mo.

“Hasang-hasa na ako kasi, basically, kahit nakapikit, alam ko na yung trabaho ni Direk Jerry.”

Malaki ang pasasalamat ni Direk Piem kay Direk Jerry dahil sinuportahan nito ang unang proyekto niya para sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jerry ang sumulat ng kuwento ng Init, pero gumamit ito ng ibang pangalan.

Pagbabahagi ni Direk Piem: “When I asked him if I could try doing my own Vivamax movie, he supported me. He wrote the script which is our concept.

“Siya po ang sumulat ng [kuwento] ng Init, pero yung pangalan na ginamit niya is Jessie Lopez.

“Ang huling sulat po niya is when he did Soltera [1999]. Ngayon lang siya nagsulat [ng script] dahil sa akin.

“Parang pamilya na kami ni Direk Jerry. Ang first na ginawa namin sa Vivamax, yung Rita. Ako ang assistant director niya sa Rita.”

ALTERNATIVES TO PLASTER

Sa mga panayam sa sexy stars ng Vivamax, madalas na sinasabi nilang gumagamit sila ng plaster bilang pantakip sa mga pribadong bahagi ng kanilang katawan kapag kinukunan ang mga love scene.

Pero iisa ang reklamo nila: masakit sa pakiramdam sa tuwing aalisin ang plaster dahil madikit ito sa kanilang mga balat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Josef Elizalde, gumamit ng plaster sa daring role niya sa pelikulang ito

Tinanong ng Cabinet Files si Direk Piem tungkol sa ibang alternatibo, bukod sa plaster, na puwedeng gamitin para hindi na nasasaktan ang mga artista.

Sinabi ni Direk Piem na ang paggamit ng skin-tone underwear ang isang solusyon para hindi na gumamit ng plaster ang mga artista.

Pero dagdag-trabaho raw ito.

Saad ng direktor, “Meron kaming ginamit nung ginawa namin yung Imortal ni Angel Locsin kasi nagta-transform sila [na lobo], di ba?

“Ang ginamit namin yung skin tone na underwear, pero you need CG [computer graphics] to erase it.

“Itong plaster kasi, dahil yung private parts lang ang tinatakpan, mas okay.

"Sa totoo lang, I see to it na puwedeng wala o puwedeng merong cover.”

Si Piem ang assistant director ng Imortal, ang fantasy series ng ABS-CBN noong 2010 na pinagbidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi ni Direk Piem ang dahilan kaya importanteng gumamit ng plaster ang mga artista kapag hubad dahil sa mga love scene na gagawin nila.

“Para maiwasan yung mga nadadala sa eksena at yung mga nang-aabuso. Yung mga sinasamantala ang eksena.

"Pero dahil nga hindi rin naman ipapakita, why would you cover it pa?

“Pero karamihan sa mga eksena is love scenes kaya pine-prefer nila na may cover,” paliwanag niya.

VIVAMAX STARS WHO GET CARRIED AWAY

Nang tanungin ng Cabinet Files kung may insidenteng natangay ang damdamin ng mga artista habang kinukunan ang maseselang eksena, ibinigay na halimbawa ni Direk Piem ang nangyari sa shooting ng Rita, ang sexy-drama movie na napapanood hanggang ngayon sa Vivamax.

May naganap daw na "panganib" kahit may suot na plaster ang leading man ng pelikula.

“May experience kami sa Rita. Natanggal yung plaster dahil tinigasan yung boy sa ginagawa ng girl sa kanya.

“Dahil close naman yung dalawang bida, nagtawanan na lang sila. Walang isyu,” sabi ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, hindi rin safe kahit may plaster ang mga artista?

“I think so,” sagot ni Direk Piem.

“Pero depende rin kasi nung natanggal ang plaster ng boy, hindi naman kasi nakapatong sa kanya ang girl.

“Ang eksena kasi nakaibabaw ang girl sa mukha ng boy. Dun naapektuhan si Boy,” sabi ni Direk Piem, na hindi binanggit ang pangalan ng mga sexy star na kanyang tinutukoy.

Si Jerry Sineneng ang direktor at si Acero ang assistant director ng Rita.

Hindi man sinabi ni Acero ang pangalan ng mga artista, malinaw na sina Christine Bermas at Victor Relosa ang Vivamax stars na kanyang tinutukoy dahil ang dalawa lamang ang gumawa ng kontrobersiyal na eksena na ikinuwento niya.

rita poster
Photo/s: Vivamax
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Piem Acero (left) on importance of using plaster in an intimate scene: “Para maiwasan yung mga nadadala sa eksena at yung mga nang-aabuso. Yung mga sinasamantala ang eksena." Inset photo: Direk Piem with Init stars Rash Flores, Dyessa Garcia, and Candy Veloso.
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results