PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Imperial, kabadong matanong tungkol sa lovelife

Barbie Imperial, bakit mas madalas gumawa ng pelikula kesa teleserye?
by Jojo Gabinete
Published Jul 11, 2024
barbie imperial how to slay a nepo baby
Barbie Imperial on negativity on social media: “Actually, kapag nagbukas ka ng social media, parang kahit ang ganda ng ginawa nung tao sa isang bagay, may negative pa rin talaga. So, I think yung secret talaga, maging positive ka, as long as alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. Hayaan mo silang magsalita."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Kabadong-kabado si Barbie Imperial sa pagdalo niya sa media conference ng How To Slay A Nepo Baby na naganap sa Viva Café, sa Cubao, Quezon City, nitong Huwebes ng tanghali, Hulyo 17, 2024 .

Ito ay dahil sa maaaring itanong ng mga reporter tungkol sa kanyang personal na buhay.

Nakahinga nang maluwag si Barbie dahil walang nangahas na tanungin siya tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Richard Gutierrez.

Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted in South Korea

Richard Gutierrez, Barbie Imperial spotted together anew
Barbie Imperial and Richard Gutierrez spoted in South Korea
Photo/s: Courtesy: Grace Yang on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto kong magpasalamat sa press dahil kinakabahan po talaga ako pumunta dito, pero na-appreciate ko po yung respeto. So, maraming-maraming salamat po,” mensahe ng pasasalamat ni Barbie.

Natawa naman ang Kapamilya actress nang tanungin tungkol sa mga nagpapaganda sa kanya ngayon.

Saad ni Barbie, “Madalas po akong mag-workout ngayon, mag-exercise, mag-tennis.

"Tapos lagi ko po itong sinasabi kasi marami po ang nagtatanong kung bakit ako pumayat. Ise-share ko po sa inyo, baka makatulong.

"Tinanggal ko po rung rice, pero puwede po kayong bumili ng shirataki. Hindi ko po siya business.

“Para lang makatulong, shirataki rice po, kasi wala siyang masyadong sugar talaga.

"So, yun po ang ginagamit ko na rice tapos normal lang yung ulam ko. Kahit anong ulam, basta yun ang rice.

"Kasi yung sugar talaga ang nakakaano sa weight ko, so tinanggal ko.”

Read: Did Barbie Imperial post gym photo with Richard Gutierrez?

BARBIE IMPERIAL ON NEGATIVITY ON SOCIAL MEDIA

Nagsalita rin si Barbie tungkol sa mga positibong bagay na nakatutulong sa kanya sa panahon ngayon, pero hindi umano nawawala ang mga negatibong reaksiyon na nakikita niya sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Parang lahat ng nakikita, kahit isang anggulo lang, puro negative.

“Actually, kapag nagbukas ka ng social media, parang kahit ang ganda ng ginawa nung tao sa isang bagay, may negative pa rin talaga.

“So, I think yung secret talaga, maging positive ka, as long as alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. Hayaan mo silang magsalita.

“Basta ang focus ko lang talaga, magtrabaho at siyempre, maibigay ko yung mga pangangailangan ng mom ko.”

BARBIE ON DOING FILMS AND TELESERYES

May paliwanag din si Barbie tungkol sa obserbasyong mas aktibo siya ngayon sa paggawa ng mga pelikula kesa teleserye.

“During pandemic, parang it’s a personal choice. Kasi with lock-in taping, medyo nami-miss ko po yung mom ko.

“Siyempre, mag-isa lang ako, hindi ako makalabas. Nakasanayan ko na kasama ko yung mom ko.

"So during the pandemic, yun ang personal decision ko.

“But now, may mga nag-o-offer ng television series, pero nasasakto lang po na yung start ng taping for teleserye, sumasakto sa nakapag-yes na ako na pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“If may offer naman po, magye-yes ako.

"With movies, I think it’s great na maraming offers na movies at mas mabilis siyang gawin.

"Basta may trabaho, grateful naman ako,” pahayag ni Barbie.

Masipag si Barbie sa pagpo-promote ng How To Slay A Nepo Baby na ipalalabas sa mga sinehan sa Hulyo 31, 2024.

Pinagbibidahan din ito ni Sue Ramirez, na hindi nakasipot sa press conference ng kanilang pelikula dahil masama ang pakiramdam.

how to slay a nepo baby
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial on negativity on social media: “Actually, kapag nagbukas ka ng social media, parang kahit ang ganda ng ginawa nung tao sa isang bagay, may negative pa rin talaga. So, I think yung secret talaga, maging positive ka, as long as alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. Hayaan mo silang magsalita."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results