May bago nang karelasyon ang award-winning actor at hindi nito itinatago ang girlfriend na isinasama niya sa mga showbiz event na kanyang pinupuntahan.
Walang kinalaman sa entertainment industry ang bagong inspirasyon ng aktor.
Malaki na ang pagpapahalaga ng aktor sa pribadong buhay kaya tiyak na hindi na magkukuwento tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa likod ng kamera.
Read: Member ng isang sikat na grupo, bagong hurado ng talent show
Ipinakilala ng aktor sa mga kasamahan nito sa isang programa ang kanyang girlfriend na kumpirmasyong totoo ang balitang hiwalay na sila ng dating karelasyon niyang aktres.
HOW TO MOVE ON QUICKLY
Nang kumalat ang balitang nagwakas na ang ilang taong pagsasama nila ng aktres, pinili ng aktor na huwag magsalita para hindi na pagpistahan ng publiko ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.
Inabangan ng mga tao ang pagsasalita ng aktres pero nanahimik din ito, tulad ng kanyang ginawa nang unang pumutok ang balitang nagkakamabutihan sila ng aktor.
Read: Aktres, malalim ang galit sa aktor na katrabaho sa teleserye
Subok na ang ugali ng aktor na wala itong binabalikan sa mga dating karelasyon niya kaya malabong-malabo na ang posibilidad na magkabalikan sila ng aktres.
Ang pagpapakilala ng aktor sa bagong inspirasyon at minamahal niya sa mga malalapit na kaibigan ang matibay na pruwebang mabilis siyang nakabuwelo mula sa malungkot na breakup nila ng aktres, ilang buwan matapos ang pagmamahalang kanilang ipinaglaban pero humantong din sa hiwalayan tulad ng kanyang mga nakaraang pakikipagrelasyon.