PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjanette Abayari, napatawad na ang ex na si David Bunevacz

Anjanette Abayari, feeling vindicated sa pagkakakulong ni David Bunevacz.
by Jojo Gabinete
Published Jul 15, 2024
anjanette abayari david bunevacz
Anjanette Abayari (main photo) feels vindicated after ex-boyfriend David Bunevacz (inset) was sentenced to 17-plus years in a California prison for wire fraud and securities fraud. In 2015, Anjanette exposed David's attempt to dupe her.
PHOTO/S: GMA Network / File

“I have forgiven him.”

Ito ang deklarasyon ng beauty queen-actress na si Anjanette Abayari nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa ex-boyfriend na si David Bunevacz.

Read: Anjanette Abayari recalls dark past in showbiz, wrong choice of boyfriends

Si David ang controversial athlete-businessman na nahatulan ng mahigit labimpitong taon—17 years—na pagkakakulong sa isang California state prison, noong Nobyembre 2022, dahil sa mga kasong wire fraud at securities fraud.

Read: David Bunevacz sentenced to more than 17 years in prison for vape business scam

“Vindicated ako,” sabi ni Anjanette, dahil napatunayan ng publiko na totoo ang lahat ng mga kuwento niya tungkol sa panlilinlang na ginawa sa kanya noon ni David.

Matibay na ebidensiya ang panloloko ng dating atleta sa mga business partner nito sa Amerika na dahilan para patawan siya ng matagal na pagkakakulong sa isang state prison sa California.

Read: David Bunevacz issues statement after guilty verdict: "My life is now rightfully over and there is no one to blame but myself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANJANETTE ABAYARI DUPED BY DAVID BUNEVACZ

Si David ang karelasyon ni Anjanette nang masangkot ang dethroned Bb. Pilipinas-Universe 1991 winner sa kasong illegal possession of drugs sa Guam noong Oktubre 1999.

Mariing pinabulaanan ni Anjanette ang paratang na ito sa kanya.

Lumipad si David sa Guam para damayan si Anjanette, pero lumitaw ang balitang tinangka nitong ibenta ang condominium unit ng aktres sa Pasig City habang nakabilanggo ito sa Guam.

Read: Anjanette Abayari wants to make a comeback more than 15 years after her drug case

Noong Pebrero 2015, bumalik ng Pilipinas si Anjanette.

Sa panayam sa kanya noon ng defunct showbiz-oriented program na Startalk, binanggit niya ang panlilinlang ni David noong 1999.

Pagsisiwalat niya noon, “Yung pinakamalaki na sana gusto niyang ibenta, yung condo ko, kasi pinadalhan niya ako ng power of attorney na akala niya isa-sign ko. Of course, I didn’t.

"And then, nalaman ko na lang sa huli na binenta niya yung kotse ko at yung Rolex [watch] ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagawa niya, pero na-recover naman ng tito ko yung kotse ko. Pero yung Rolex, hindi,” pagsisiwalat ni Anjanette.

Hindi rin daw alam ni Anjanette na marami ang nagbigay sa kanya ng pinansiyal na tulong nang magkaroon siya ng problema sa Guam.

Si David daw ang tumanggap ng mga ito, pero hindi nakarating sa kanya.

Sa pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Anjanette pagkatapos ng guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes ng hapon, Hulyo 15, 2024, nabanggit ng aktres na hindi rin binayaran noon ni David ang mga abogado sa Guam na humawak sa kanyang kaso.

Read: Anjanette Abayari reveals how she was duped by ex-boyfriend David Bunevacz; happy as unwed mom

ANJANETTE'S NEW LIFE

Kasama ni Anjanette sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda ang kanyang asawang pastor na si Gary Pangan, na dating Bible teacher niya.

Maaliwalas ang mukha at masayang-masaya si Anjanette kaya hindi maipagkakailang maligaya ito sa piling ng kanyang mister.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Instagram
Anjanette Abayari with husband Gary Pangan.
Photo/s: Instagram

Hindi rin matatawaran ang malakas na pananampalataya ni Anjanette sa Panginoong Diyos na sentro raw ng pagsasama nila ng kanyang asawa.

Para kay Anjanette, si Gary ang sagot sa mga dasal nila ng kanyang dalawang anak na lalake.

Kuwento ni Anjanette kay Boy Abunda, “Night after night, we pray for someone na mahal ang Diyos na kagaya namin, na mamahalin kami the same way he loves the Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Prayer after prayer, night after night, we didn’t give up.

"And Gary came into my life, and I wasn’t sure if it’s gonna be him because siya yung Bible teacher ko.

“Unti-unti, I realized na siya yon. The Lord really works and He answers prayers.

"And my son said, 'Mom, God answered us.'"

Read: Dating aktres na si Anjanette Abayari, engaged na sa isang pastor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjanette Abayari (main photo) feels vindicated after ex-boyfriend David Bunevacz (inset) was sentenced to 17-plus years in a California prison for wire fraud and securities fraud. In 2015, Anjanette exposed David's attempt to dupe her.
PHOTO/S: GMA Network / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results