Ang Da Pers Family ang unang sitcom ni Aga Muhlach sa TV5 na kasama ang lahat ng mga miyembro ng kanyang pamilya—ang asawa niyang si Charlene Gonzalez at ang kanilang kambal na anak na sina Atasha at Andres.
Read: Muhlach family, bibida sa TV5 sitcom na Da Pers Family

Da Pers Family ang pamagat ng sitcom na mapapanood simula sa Hulyo 21, 2024.
"Pers" ang apelyido ng pamilya ng mga karakter na ginagampanan nina Aga, Charlene, Andres at Atasha.
AGA MUHLACH ON WORKING WITH HIS TWINS
Marami na ang mga nangyari sa personal at propesyunal na buhay ni Aga, pero itinuturing nitong isang hindi malilimutang karanasan ang makatrabaho ang kanyang kambal na anak.
“Yung first time ko, I guess, is really working with the kids," saad niya sa presscon ng Da Pers Family, nitong Lunes ng hapon, Hulyo 15.
"Parati kong sinasabi, baka nami-misinterpret lang ng iba ito, when I say it's kind of difficult for me in the sense na dati, kapag nagtatrabaho ako, parang ito yung mundo ko sa pag-aartista.
"Ang iniisip ko lang, sarili ko. Kung paano ang gagawin ko, ano yung eksena ko.
“Ngayon, it’s harder for me because nandiyan yung pamilya mo na binabantayan mo, [pero] kaya naman nila.
“Ang ibig kong sabihin, masyado na akong protective lang sa mga anak ko talaga."
Read: Andres Muhlach pumasok na rin sa showbiz; Muhlach family bibida sa TV5 sitcom
Pagpapatuloy ni Aga: "Hindi lang siguro alam ng mga tao, sa pagpasok nila sa industriyang ito, ako ang pinakamasaya.
“But at the same time, meron kang kaba talaga na parang ako lang siguro ang makakaalam—yung hirap na pinagdaanan ko mula nung nag-umpisa ako para marating ko yung anumang narating ko sa buhay na ito hanggang sa magkapamilya ako.
“Na sila, parang alam ko yung dadaanan. Mahaba pa. Mahirap, but then, sila na nagdesisyon na they wanted to work.
"Ang mahirap sa pagdedesisyon nila, ako pa yung kasama. Ang ibig kong sabihin, ako pa yung aarte sa harapan nila.”
Ikinuwento ni Aga ang kasiyahang nararamdaman sa tuwing magkakasama sila ng kanyang pamilya sa pagpunta sa taping nila para sa Da Pers Family.
FAMILY BONDING ON THE SET
Binanggit din niyang nawawala ang kanyang kaba sa suporta na ibinibigay kina Atasha at Andres ng mga co-star nila ni Charlene sa sitcom.
“So, masaya ako na dumarating ako sa set na kasama sila. We’re together every day.
"Kapag wala kaming ginagawa, nasa bahay lang kami parati talaga or we do things together, the four of us, all the time yan.
“Never ako solo. It’s always us.
"And now that we’re working together, it’s like super bonus para sa akin.
"And I’m happy also that we have a great cast here. Na sinasabi ko sa mga anak ko na, ‘You wait na makatrabaho mo sila.’
“Ngayon, mas komportable ako. Nawawala yung nerbiyos ko dahil alam ko na nandiyan sila para suportahan din yung mga anak ko,”
Kasama rin sa cast ng Da Pers Family ang mga beteranong comedian na sina Roderick Paulate, Ces Quesada, at Bayani Agbayani.
AGA MUHLACH'S WEIGHT JOURNEY
Ginulat ni Aga ang mga miyembro ng entertainment press na dumalo sa media conference ng Da Pers Family na naganap sa TV5 studio kahapon dahil kapansin-pansing pumayat na siya at bumalik na ang kanyang magandang pangangatawan.
Pitong buwan na ang nakararaan nang sabihin ni Aga noong Enero 2024 na nalilimitahan ang mga proyektong kanyang ginagawa dahil sa timbang niya.
Sinabi ni Aga sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “I gotta face this lingering issue sa buhay ko—my being overweight.
“Until I am overweight, I cannot really move on. I cannot really do good projects sa much as I want to because it’s very limiting.
“Being overweight is very limiting and I’ve been struggling and finally, finally, it’s happening now.”
Read: Aga Muhlach seryosong hinaharap ang pagiging overweight
Sa naganap na press conference ng Da Pers Family, nakita ng mga reporter na hindi nabigo si Aga dahil mas lalong tumingkad ang kanyang kaguwapuhan nang mawala ang unwanted pounds sa katawan niya.
