Problema ng production staff ng isang TV show ang aktor at aktres na madalas ugat ng pagkakaantala ng taping nila.
Palaging masama ang pakiramdam ng aktres kaya maagang tinatapos ang kanyang mga eksena. Pinatotohanan ng doktor niya, sa pamamagitan ng medical certificate, na hindi siya puwedeng mapuyat at mapagod.
Read: Aktor, kumpirmadong break na sa aktres; may bagong karelasyon
Iba naman ang isyu ng aktor na mas gustong manatili sa loob ng kanyang kotse kesa magbabad sa dressing room na nakalaan para sa cast members ng programa.
Pahirap sa production staff ang aktor dahil mahirap itong tawagin kapag kailangan na siya sa set.
Matagal bago bumaba ang aktor mula sa sasakyan nito kaya nagdudulot ito ng stress at tensiyon sa production staff.
Read: Showbiz personality, totoong nagtangkang lumipat ng network
Hindi magandang halimbawa ang aktor at aktres na walang maipamamanang kabutihang-asal sa mga artistang higit na nakababata sa kanila.
Dinaig ng aktor at ng aktres ang mga veteran at award-winning actors na malaki ang pagpapahalaga sa propesyunalismo, at may mataas ang respeto sa oras at sa trabaho ng kanilang mga kasamahan sa TV show.
Wala pang napapatunayan sa showbiz ang dalawang artistang parusa sa mga co-star nila at production staff.
Kung naniniwala man ang aktor at aktres na may napatunayan na sila bilang mga artista, mali pa ring paghintayin nila ang mga co-stars at magbigay ng problema sa production staff na labis na naaapektuhan ng kanilang ipinakikitang unprofessionalism.
Read: Misis, nakumpirma ang affair ng asawang aktor sa aktres