PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes, ano ang itinuturing na biggest achievement?

Andrea Brillantes, nagiging vocal na tungkol sa kanyang pananampalataya.
by Jojo Gabinete
Published Jul 17, 2024
andrea brillantes
Andrea Brillantes on overcoming struggles in life: “Marami po kasi. Meron part sa personal life ko. Meron din financial struggles. Meron din criticisms. So, marami po akong pinagdaanan noon. Iba’t ibang klaseng paghihirap po. Depende sa itatanong ninyo but it was challenging. It wasn’t easy at all. But all of those, are the things that made me what I am today.”

Mula nang mag-umpisa ang showbiz career ni Andrea Brillantes sa edad na pito, marami nang mga pagsubok, intriga, at kontrobersiya tungkol sa kanyang personal at propesyunal na buhay ang pinagdaanan at nalampasan niya.

Ito ang dahilan kaya itinuturing siyang "survivor."

Read: Andrea Brillantes marks "singlesary" on Independence Day

Nitong Martes ng hapon, Hulyo 16, 2024, ipinakilala si Andrea bilang celebrity ambassador at shareholder ng LVNA Jewelry by Drake Dustin.

Napangiti ang Kapamilya actress nang marinig niya ang salitang "survivor."

Tinanong ng Cabinet Files si Andrea kung ano ang pinakamalaking achievement niya ngayon, bukod sa pagiging endorser at shareholder ng jewelry line.

Sagot niya, “I started working at a very young age.

“Nakapag-provide ako, nakabili ako ng house for them.

“I have my own business po. I’m just happy na natupad ang dreams ko na magkaroon ng sariling make-up brand.

"But I think ang biggest achievement for me is nandito pa rin ako at ginagawa ko po yung gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I can say na hindi ako nababago ng industriya, yun ang biggest achievement ko.

"That I’m still the dear old girl na nangangarap lang dati na maging artista at magkaroon ng bahay para sa pamilya niya.

“Kahit ang harsh ng world, I still try my best to be kind and to love.”

Gaano kahirap ang buhay niya noon?

“Marami po kasi. Meron part sa personal life ko. Meron din financial struggles. Meron din criticisms.

"So, marami po akong pinagdaanan noon. Iba’t ibang klaseng paghihirap po.

“Depende sa itatanong ninyo but it was challenging. It wasn’t easy at all.

"But all of those, are the things that made me what I am today.”

ANDREA'S STRONGER FAITH

Marami ang hindi nakakaalam na malalim ang relasyon at pananampalataya ni Andrea sa Panginoong Diyos, na takbuhan daw niya sa tuwing may mga problema siya.

Dalawang taon na ang nakalilipas buhat nang lalong tumatag ang pananalig ni Andrea sa Diyos na natutunan niyang ibahagi sa kanyang mga tagasubaybay sa pamamagitan ng mga social media post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “Lumaki naman po ako sa lola ko, and my lola’s Catholic. May pagka-religious talaga.

"So, kilala ko po talaga yung Panginoon, matagal na.

“Kailan lang po talaga ako mas nagkaroon ng relationship with Him, two years ago.

“Hindi lang kasi ako ma-post about it. Ngayon lang po ako mas nagpo-post kasi part na yon ng personal life ko.

“Lahat naman ng mga artista, meron pa rin itinitira, kahit public figures sila.

“Isa po yon sa pinapangalagaan ko kasi ayoko siyang ma-tarnish ng public.

“Pero naisip ko na hindi dapat i-gate keep kasi baka mas marami akong ma-reach na Gen Z kapag nagpo-post ako tungkol sa church ko.

“Sa ngayon, nagiging vocal ako about it. Ayoko lang siyang masira before, like natatakot ako dahil very sacred yung church ko.

“Lalo na may connect ako doon, may friends ako, maraming kids. Natatakot ako before na kapag nag-post ako, baka may bashers na mag-abang sa akin na this is not the place to be.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero naisip ko rin, kapag may bashers na nagpunta sa church, parang that’s the perfect place for you to be. May matututunan ka and baka may ma-plant na seed sa iyo na faith.”

Read: Andrea Brillantes gets peace from social-media detachment

INVESTMENT ON JEWELRY

Isang pangarap na natupad para kay Andrea nang kunin siya bilang celebrity ambassador ng LVNA by Drake Dustin dahil natuto siyang mag-invest sa mga alahas.

Maligayang-maligaya rin si Andrea dahil ipinagkaloob sa kanya ng LVNA founder at CEO na si Drake Dustin Ibay ang 2.5 million shares sa nabanggit na jewelry company.

andrea brillantes lvna
Andrea Brillantes (second from left) with (from left) LVNA CEO Drake Dustin Ibay, LVNA president Dannielle Louise Ibay, and LVNA vice-president Amalia Reyes Campos.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Twenty-one years old ako ngayon, a learning age. It’s a nice age to explore and to invest on things,” sabi ni Andrea.

“It’s something that I really want to do although never kong naisip yung collab na ito. Pero nung sinabi sa akin, sobra akong na-excite, sobra akong saya na natuloy.

“Before kasi, hindi ko pa afford and madami pa akong na-prioritize before and medyo nakaluwag-luwag kaya puwede na akong mag-invest ng jewelries for myself.

“Yung lola ko, actually, siya talaga ang mahilig sa mga alahas. Lagi niyang sinasabi sa akin, 'Kapag may pera ka na, bili ka ng mga alahas para sa sarili mo.'

“And growing up sa industry na marami akong nakakasamang mga veteran, marami ang nagsasabi sa akin na magandang investments ang mga alahas. Ten years old pa lang ako, sa Annaliza, sinasabi na nila sa akin.”

Ikinuwento ni Andrea na noong Pebrero 2024 ay binilhan niya ng mga alahas ang kanyang lola, nanay, at mga kapatid kaya tuwang-tuwa ang pamilya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang lola ko po ang una kong binilhan ng alahas na galing sa sariling pera ko

“Noong Valentine’s Day, lahat sila ikinuha ko ng rings from LVNA. So, super happy ang lola ko, yung mama ko, yung ate ko, yung kuya ko.

“And I am really happy na nabigyan ko ng ring si Mommy kasi wala siyang wedding ring na ganoon. I am really happy na nakapagbigay ako ng wedding ring sa mommy ko and super saya niya noon.

“Sabi niya, 'Walang lalake na nakapagbigay sa akin ng diamond ring, nabigyan mo ako.' At hindi ko yun maibibigay kung hindi dahil sa LVNA.”

Para naman kay Drake Dustin, si Andrea ang magandang halimbawa ng kanyang kompanya para sa mga kabataan o Gen-Z dahil sa impluwensiya ng aktres.

“Siya ang magiging example namin para sa mga lumalaking bata or Gen Z, ang young generation of consumers” ani Drake.

“Perfect din si Andrea for our international collaboration. For me, with that collaboration, parang si Andrea ang kumumpleto sa brilyantes. Si Andrea ang missing piece sa lineup ng LVNA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We’re gonna launch it prior to our 7th anniversary in October."

Read: Andrea Brillantes not yet ready to enter new relationship: “Wala talaga siya sa focus ko.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes on overcoming struggles in life: “Marami po kasi. Meron part sa personal life ko. Meron din financial struggles. Meron din criticisms. So, marami po akong pinagdaanan noon. Iba’t ibang klaseng paghihirap po. Depende sa itatanong ninyo but it was challenging. It wasn’t easy at all. But all of those, are the things that made me what I am today.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results