Ang Da Pers Family, ang upcoming sitcom ng TV5, ang unang acting project sa telebisyon na magkasama ang magkapatid na sina Atasha at Andres Muhlach, ang kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Read: Aga Muhlach, kabado sa pagpasok ng kambal na anak sa showbiz
Para kay Atasha, isang hindi makalilimutang karanasan na makatrabaho niya sa isang TV show ang kanyang kapatid at mga magulang, kahit naranasan na nila noong gumawa ng mga TV commercial na magkakasama sila.
“This is the first sitcom that we’ve ever done or even acting together as a family na meron nang linya, script.
“We get to actually do things. Spend the whole day together sa taping,” lahad ni Atasha, na kaboses na kaboses ni Charlene habang nagsasalita.
Unang nahasa si Atasha sa telebisyon nang mag-umpisa siya bilang co-host ng noontime variety show na Eat Bulaga! noong 2023.
Read: PEP BEST BETS 2024: The Rising Stars

ANDRES MUHLACH'S FIRST PROJECT AS AN ACTOR
Samantala, ang Da Pers Family ang unang proyekto ni Andres bilang aktor kaya mauunawaang mahiyain pa siya.
Pero detalyado ang kanyang pahayag tungkol sa mga nararamdaman niya sa unang pagkakataong pagsabak sa pag-arte.
Read: Andres Muhlach pumasok na rin sa showbiz; Muhlach family bibida sa TV5 sitcom
Saad ni Andres: “First time talaga, lahat ito, you know, sitcom, first project ko ito.
"And I’m really super grateful and thankful na I am with all the people here, the best cast.
“Actually, my first family talaga, yung cast, so I’m really happy. Bawat eksena is always new and I’m always learning so I am just really excited.
“We’ve been working together as a family sa mga commercial dati and all. Pero ngayon, may mga linya na. May mga script, there are scenes.
"So now, hindi naman kakaiba, pero feeling lang, it’s easier to work with them.
“Magaan sa loob na I get to work with my family and not just that, the cast, everyone else in the cast, the best talaga.”
Ang mga tinutukoy ni Andres na “best cast” ay sina Roderick Paulate, Ces Quesada, Chad Kinis, Heart Ryan, Kedebon Colim, at Bayani Agbayani, na mga co-star ng Muhlach family sa Da Pers Family.
Mapapanood ang Da Pers Family sa TV5 tuwing Linggo, simula sa Hulyo 21, 2024.
Read: Bayani Agbayani, tinawag na "future superstars" sina Andres at Atasha Muhlach