Tagumpay ang GMA Gala na ginanap sa Manila Marriott Hotel noong Sabado, Hulyo 20, 2024.
Pinag-uusapan at trending sa iba’t ibang social media platforms ang star-studded event ng GMA-7 na siguradong malaki ang maitutulong sa beneficiaries ng Kapuso Foundation.
Matiyagang sinubaybayan ng Cabinet Files sa YouTube ang live coverage ng mga pangyayari sa red carpet ng GMA Gala 2024.
Read: GMA Gala 2024's Most Talked-About Moments
KAPUSO NEWBIES
Mapalad ang mga baguhang artista ng Sparkle GMA Artist Center dahil naging bahagi sila ng isang mahalagang okasyon, na pinaghandaan naman nila nang husto mula sa kanilang pananamit, makeup, suot na sapatos, at hairdo.
Pero nabigyan sana ng importansiya ang mga aspiring actors na dumalo sa GMA Gala kung inilagay sa screen o inanunsiyo ng red-carpet hosts ang mga pangalan nila — habang naglalakad, kinukunan ng video at litrato ng mga miyembro ng media — bilang maliit na pabuya sa kanilang pagdalo.
Para rin makilala sila ng mga tao at para maiwasan ang mga nakakainsultong tanong na “the who?”
MYRTLE SARROSA'S GOWN
Ang cosplayer at aktres na si Myrtle Sarrosa ang isa sa mga artistang tumanggap ng mga puna dahil sa gown na kanyang suot.
Para sa ilang fashion critics, hindi bagay sa okasyon ang damit niya na nagmula pa sa ibang bansa.
Kung sinasabi ng netizens na napakatipid ng naging saplot ni Myrtle nitong 2024, siya namang pagkasobra ng pagkakabalot niya noong 2023.
Narito ang mga naging appearance ni Myrtle sa dalawang magkasunod na GMA Gala.
@pepalerts Myrtle Sarrosa at GMA Gala 2024 #PEPatGMAGala2024 #GMAGala2024 #EntertainmentNewsPH #NewsPH ? original sound - PEP.ph
@pepalerts Kabogera naman ang pa-long gown ni ate mo @myrtlegail #GMAGala2023 #NewsPH #EntertainmentNewsPH #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGala2023 ? original sound - PEP.ph

Sa red-carpet interview kay Myrtle, ibinida nitong isang U.S.-based Filipino designer, na gumagawa rin daw ng mga damit ng American singer na si Katy Perry, ang lumikha ng kanyang evening gown na ngayo'y pinipintasan ng mga detractors.
“He makes a lot of amazing dresses that transformed. And sinabihan ko siya talaga na ‘I want a dress that would really encapsulate yung pagiging gamer ko.’
“Sabi niya sa akin, ‘Sige, gawa tayo ng dress that would combine a lot of my favorite heroes, legends, champions kaya medyo gaming inspired yung details,” kuwento ni Myrtle.
Muntik nang hindi maisuot ni Myrtle ang kanyang damit dahil naantala ang pagdating nito mula sa ibang bansa, pero may himalang nangyari.
Binabatikos man ang kasuotan ni Myrtle sa GMA Gala—na sinasabing lalong nakakabigla at nakakadistract sa malapitan—nagtagumpay siyang mapansin dahil pinag-uusapan ang kanyang damit.
SANYA LOPEZ AND FAITH DA SILVA
Hindi naman positibo ang ilang komento ng ilang fashion critics sa magkaparehong red-carpet reveal nina Sanya Lopez at Faith Da Silva.
@sparklegmaartistcenter Sanya Lopez is here at the #GMAGala2024 #SanyaLopez ? original sound - Sparkle GMA Artist Center

Sabi ng ilan, hindi raw “pang-star” ang ginawa nilang eksena.
Lalo na kay Sanya na nakitaan nila ng kaunting struggle sa pag-transform nito ng kanyang all-black outfit sa isang all-white. Kay Faith naman, hindi gusto ng ilan ang mismong may pa-reveal act.
Ibang-iba naman ang tingin ng iba.
Sinasabi nilang creative at out-of-the-box thinking ang ginawa nina Sanya at Faith. Hindi nakontento ang stars sa conventional walk at pose at smile sa red carpet. Nangahas silang maiba.
Dapat nga raw puruin ang dalawang dilag dahil kayang-kaya nilang umasa lamang sa kagandahang taglay. Pero malinaw na binigyan nila ng importansiya ang napakalaking event na ito ng kanilang network.
@gmanetwork SHE'S ON FIRE!!! ???? Faith Da Silva definitely served looks on the #GMAGala2024 ? water - Official Sound Studio

LUIS HONTIVEROS'S "PRINCE ERIC LOOK"
“Channeling Prince Eric” naman ang pagsasalarawan ni Luis Hontiveros sa kanyang GMA Gala look.
Si Prince Eric ang isa sa mga karakter sa The Little Mermaid ng Disney.
Maituturing na revenge outfit ang damit ni Luis dahil pag-amin niya, “I spoke to my stylist and I told her, for this year, I want everyone else to have no reason to ignore me so we’re making a statement tonight.”
Mabuti na lang, nabigyan si Luis ng pagkakataong mainterbyu ng red-carpet hosts na sina Martin Javier at Patricia Tumulak.
Pero hindi pa rin ito sapat na dahilan para mapansin siya kaya hindi pa rin epektibo, para sa amin, ang kanyang hugot na “I want everyone else to have no reason to ignore me.”

ALICE DIXSON
Bilang red-carpet host, binigyan dapat si Martin Javier ng researcher na magbubulong sa kanya ng mga impormasyon tungkol sa mga personalidad na kinakausap niya.
Nang tanungin ni Martin si Alice Dixson tungkol sa kasuotan nito, ipinaliwanag ng aktres: “This dress is by Denis Santos. I discovered him actually through Binibining Pilipinas, and he had designed one of the candidates' dresses, and I just fell in love with the gown.
“I didn’t know him. I contacted him. Basta hinanap ko siya and he said he’s available to make my dress or my evening gown for tonight.”

Bakas ang pagkamangha ni Martin sa sinabi ni Alice.
“Hold on, were you watching Binibining Pilipinas live? You’re one of the judges?” tanong ni Martin.
Hindi pa ipinapanganak si Martin nang manalo si Alice na Bb. Pilipinas-International noong 1986, kaya hindi niya alam na beauty queen muna ang aktres bago ito pumasok sa showbiz.
Sabi ni Alice, “I was there, a lot of the former winners were there.”
Sagot naman ni Martin, “Oh, yeah, you’re a part of…”
Kung may naka-assign kay Martin na researcher o writer na may sapat na kaalaman tungkol sa mga iniinterbyu nila ni Patricia, baka nabulungan siya na dating beauty queen si Alice at naiwasan sanang malagay siya sa isang alanganing sitwasyon.
Maaari namang may writer na nakabantay kay Martin, pero baka hindi rin nito alam na beauty-pageant winner noon si Alice.

Samantala, nangibabaw ang pagiging fan ni Patricia Tumulak nang makaharap at makausap niya nang personal sina Heart Evangelista, Marian Rivera, at Bea Alonzo.

Related Stories:
- GMA Gala 2024 Red Carpet Arrivals: Ladies in white
- Dapper gentlemen, heartthrobs at GMA Gala 2024
- GMA Gala 2024 Red Carpet Arrivals: Ladies in black
- Skin-baring stunners at GMA Gala 2024
- Power couples, picture-perfect pairs at GMA Gala 2024
- Standout couples, beauties, gentlemen at GMA Gala 2024
- Kyline Alcantara, Kobe Paras spotted together at GMA Gala 2024
- It's Showtime hosts grace GMA Gala for the second time
- Herlene Budol responds to bashers after GMA Gala 2024 incident
- GMA Gala 2024 sidelights: Did Alden pay for extension of after-party? Sparkle rep speaks up
- Barbie Forteza helping Herlene Budol trends online
- GMA Gala 2024: Scene stealers sa red carpet