Nawala ang respeto ng aktres sa kanyang estranged husband dahil tumanggi itong bigyan ng sustento ang kanilang mga anak.
Ikinatuwiran ng estranged husband ng aktres na wala sa kanyang kakayahang magbigay ng buwanang tulong para sa mga anak nilang mga elementary student pa lamang.
Read: Aktor at aktres, pahirap sa taping ng kanilang TV show
Dahil sa patuloy na pagtanggi ng ama ng kanyang mga anak sa mga responsibilidad, napilitan ang aktres na gamitin ang legal na paraan para magbigay ng sustento ang dating asawa.
Dinala ng aktres sa korte ang problema.
Sa huli, siya ang pinaboran ng korte dahil napatunayang sobra pa sa sapat ang kinikitang pera ng kanyang dating karelasyon kaya may kakayahan ito para tumulong sa pagtataguyod sa kanilang mga anak.
Lalong nawala ang respeto ng aktres sa kanyang estranged husband dahil hindi siya makapaniwalang may amang magagawang tiisin ang mga anak.
Imbes na maging magkaibigan, kahit may kanya-kanya na silang buhay, nadagdagan ang mga dahilan ng aktres para tuluyang lumayo ang kalooban sa dating asawa.
Read: Aktor, kumpirmadong break na sa aktres; may bagong karelasyon
"Irreconcilable differences" ang sinabi ng aktres na ugat ng paghihiwalay nila ng mister niya, at siya ang nagpasyang tapusin na ang kanilang relasyon.
Hindi pinagsisisihan ng aktres ang kanyang desisyon dahil mas masaya siya ngayon sa piling ng mga anak niya.
Pero sa tuwing napag-uusapan ang ama ng mga bata, hindi niya napipigilan ang sariling ibahagi ang pagiging iresponsable ng dating asawa.