Ang Slice of Life-inspired Instagram post ni Michael V. at ang litrato ng isang lalaking nagse-selfie habang nasa ibabaw ng bus na nakalubog sa malalim na tubig-baha ang dalawa sa mga pangyayaring nakapagpangiti sa netizens habang bumubuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila at Luzon ngayong Miyerkules, Hulyo 24, 2024.
Read: Fast Talk With Boy Abunda at Wil To Win, kanselado ang live show dahil sa bagyo
Marami ang napangiti, kabilang ang kanyang mga kapwa artista, sa litratong inilabas ni Michael V. sa Instagram account niya na may hashtag na #DreamDoComeTrue
Caption niya rito: “Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na gusto kong makasama sina Bea Alonzo, Vice Ganda at si Annette Gozon-Valdes in one photo.
“Thanks to #GMAGala2024, nangyari na rin finally! Thank you din sa @niceprintphoto. Ipapa-frame ko ‘to.”
View this post on Instagram
MICHAEL V.'S SLICE OF LIFE PHOTO
Slice of Life-inspired ang larawan dahil kailangan itong pagmasdang mabuti para makita si Michael.
Nahagip lamang ng photographer si Michael, na nasa gitna nina Bea at Vice, kaya nakasama siya sa litratong kuha mula sa GMA Gala na naganap sa Marriott Hotel, Pasay City, noong Sabado, July 20.
Maikukumpara ang karanasan ni Michael sa Slice of Life, ang cartoon series ng National Artist for Visual Arts na si Larry Alcala (August 18, 1926 – June 24, 2002) na natutunghayan noong dekada ’80 sa Sunday issue ng isang popular broadsheet.
Palaging may imahe si Alcala sa Slice of Life cartoons.
Isa sa mga hamon nito na hanapin ang kanyang mukha na iginuhit niya. Pero hindi ito madali dahil nakatago, mapanlinlang, at nakalilito.
Read: GMA Gala 2024 sidelights: Did Alden pay for extension of after-party? Sparkle rep speaks up

SELFIE SA BINAHANG BUS
Pumukaw naman ng atensiyon ng netizens ang selfie photo ng isang Pilipino habang nasa ibabaw ng bus na nakalubog sa baha.
Inilabas ng DZRH sa Facebook page nito ang larawang kuha ni Edwin Duque na nangyari sa ilalim ng Skyway sa Quezon City na nagpapakita ng resiliency o katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng delubyo.