Buhay na buhay pa rin ang bayanihan, isa sa maipagmamalaking kagandahang-asal ng mga Pilipino.
Muling nasaksihan ang pagbabayanihan ng mga Pinoy sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Carina na naghatid ng malakas na buhos ng ulan at malawakang pagbaha sa Metro Manila at Luzon kahapon, Hulyo 24, 2024.
Read: Fast Talk at Wil To Win, kanselado ang live show dahil sa bagyo
Nagtulungan ang isa’t isa sa pagliligtas ng buhay ng mga tao at hayop, sa pagsasalba sa mga sasakyan at kagamitan na lumubog at inanod ng baha.
Nagpamalas ang marami ng kabayanihan, kabilang ang mga miyembro ng Philippine National Police at ang mga news reporter na hinarap ang panganib para maihatid ang sitwasyon sa mga lugar na naapektuhan nang husto ng delubyo.
CELEBRITIES IN ACTION
Sa mga showbiz personality na AFP reservists, sina Gerald Anderson, Ronnie Liang, at David Chua ang tatlo sa mga namataan ng publiko na tumulong sa mga biktima ng kalamidad na sumira ng buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.
Read: Gerald Anderson joins Typhoon Carina rescue efforts

Ang pagtulong sa kapwa na ginawa ng tatlong aktor ang dahilan para hanapin ng netizens ang kinaroroonan at alamin ang ginagawa ng ibang mga artistang ipinagmalaking enlisted AFP reservists sila, sa pamamagitan ng kanilang social media posts at interviews, pero missing in action sa panahong kailangan ang mga boluntaryong pagseserbisyo nila.
"Assisting in relief and rescue during disasters or calamities" ang isa sa mga responsibilidad ng enlisted army reservists, ayon sa Armed Forces of the Philippines.
Pero sa ngayon, sina Ronnie, David, at Gerald pa lamang ang mga reservist na napabalitang nagkusang-loob na tumutupad sa kanilang mga tungkulin.
Read: David Chua, nakasaksi ng trahedya sa gitna ng bagyo

RESPONSIBILITIES OF A RESERVIST
Bago pa tuluyang akusahang “pam-publicity,” “papogi,” at “pabida” lamang ang ipinagyayabang na pagiging army reservist ng ibang mga artista, isang showbiz personality ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa mga sistema at obligasyon nila bilang mga reservist.
Paliwanag ng showbiz personality, “Usually, ipinapatawag kami ng Community Defense Center namin kapag kailangan ang aming tulong sa mga disaster tulad ng mga bagyo at pagbaha.
“May tinatawag kasi na 11, 12, 13, kung ano ang city ang nakakasakop sa yo. Dun sa mga lugar na yon kayo mamimigay ng mga tulong, depende sa wing commander mo.
“Kami ang inilalagay sa frontline ng pamimigay ng relief goods.”
Pagpapatuloy niya: “Unang-una, voluntary yan. Depende sa yo as reservist, kung gusto mo o hindi.
“Kung ipinatawag ka, hindi ka pumunta, it’s okay, kasi volunteers lang kami.
“Pangalawa, ang commander ang nagpapatawag.
"Pangatlo, nasa amin na yon. Kung hindi kami ipatawag o hindi kami pumunta, gagawa na lang kami ng sariling paraan para makatulong kasi ayaw naman naming umasa sa resources ng AFP.”