PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Phil and Ralph Gomez—from Eat Bulaga! to How To Slay A Nepo Baby

From finalists to newbie actors.
by Jojo Gabinete
Published Jul 28, 2024
Phil and Ralph Gomez during the press conference for How To Slay A Nepo Baby.
Parehong finalists sa "Eat Bulaga!" contests ang showbiz newbies na sina Phil at Ralph Gomez. Pareho silang ipinakikilala sa Happy Infinite Productions movie na "How To Slay A Nepo Baby."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang magkapatid na sina Phil at Ralph Gomez ang mga bagong kambal sa showbiz at ipinakikilala sila sa How to Slay A Nepo Baby, ang pelikulang pinangungunahan nina Sue Ramirez at Barbie Imperial na ipalalabas sa mga sinehan simula sa Hulyo 31, 2024.

Phil and Ralph Gomez in a How To Slay A Nepo Baby promotional poster.
Photo/s: Happy Infinite Productions

Bilang identical twins, halos pareho ng kaugalian ang dalawa at napansin ito sa media conference ng kanilang pelikula dahil kahit malayo ang puwesto nila mula sa isa’t isa, sabay na ngumingiti, umiiling, at tumatango sina Phil at Ralph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nagkakaiba ang mga karanasan nila bago nag-umpisa ang kanilang mga showbiz career, dahil sumali si Ralph sa "That’s My Bae" contest ng Eat Bulaga! noong 2015 at "Mr. Pogi" contestant si Phil noong 2012.

Parehong mga finalist sina Ralph at Phil sa mga contest ng Eat Bulaga! na kanilang sinalihan noon pero ang tunay na apelyido na Durmiendo ang ginamit nila.

PHIL AND RALPH'S EARLY WORK EXPERIENCES, showbiz auditions

Nagtrabaho si Phil bilang medical technologist sa loob ng anim na taon hanggang magdesisyon siya noong nakaraang taon na sumali sa auditions na ipinatawag ng Happy Infinite Productions para sa mga magbibida sa How to Slay A Nepo Baby.

“Last year, I decided na mag-pursue sa ganitong career. Nag-audition ako sa Happy Infinite Productions. Sinabi ko na may kambal ako.

“Si Direk Rod Marmol ang nagsabi na ‘May kakambal ka?’ and the rest is history po,” kuwento ni Phil tungkol sa pag-uumpisa ng acting career nila ni Ralph at pagbanggit na rin sa direktor ng kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pitong taon na nagtrabaho si Ralph sa isang hotel at nasubukan din niya na maglingkod bilang flight attendant. Pero ayon sa kanya, naging miyembro rin siya ng Walang Tulugan, ang defunct late night program ng GMA-7.

Si Ralph ang nagsabi na kapwa sila ni Phil na produkto ng Eat Bulaga!.

“Before talaga, sa Walang Tulugan ako nag-start. Then product kami ng Eat Bulaga!, ako sa 'That’s My Bae,' si Kambal, 'Mr.Pogi.' We’re both finalists,” kuwento ni Ralph na matanda kay Phil ng labingwalong segundo nang isilang sila noong 1995.

“Mas matanda si Ralph ng 18-seconds,” salaysay ni Phil sa Cabinet Files.

“Ceasarian section po kasi yung mom namin. Actually, hindi alam ng parents namin na kambal kasi parang gusto ng mom namin nung panahon na iyon na surprise, hindi siya napa-ultrasound.

“Nung nasa delivery room na si Mama, may pumasok na nurse, nagulat siya dahil dalawa yung heartbeat.

“Yung doktor naman, sumenyas sa papa namin ng dalawa. Sabi ng tatay namin, ‘Anong dalawa?’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nang sabihin ng doktor na kambal, sabi ni Papa agad, ‘Patay, paano yung diapers, yung gatas?’”

PHIL AND RALPH: IDENTICAL IN EVERY WAY

Pinatotohanan nina Ralph at Phil na bilang kambal, naranasan nila noon na magkasabay na magkasakit at malungkot.

Bukod sa mahilig kumain o mag-mukbang, parehong-pareho ang ugali nila na hindi pinalalampas ang magagandang oportunidad na dumarating sa kanila tulad ng pagbibida sa How to Slay A Nepo Baby.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong finalists sa "Eat Bulaga!" contests ang showbiz newbies na sina Phil at Ralph Gomez. Pareho silang ipinakikilala sa Happy Infinite Productions movie na "How To Slay A Nepo Baby."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results