PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeli Khang, nakapagpundar na ng sariling sasakyan

Angeli Khang, binalikan ang panahong sumasakay pa siya sa moto taxi.
by Jojo Gabinete
Published Jul 30, 2024
angeli khang unang tikim presscon
Angeli Khang on public's support: “I feel the people’s praise and support. Sobrang nakakataba ng puso. One time nag-vlog kami sa Viva, it’s a public place. Halos lahat ng mga tao lumalapit, sinasabi nila, 'Nimfa! Nimfa!' Narinig ko sabi ng videographer namin, 'Ano kaya yung ipinu-promote natin dito, Black Rider o Viva pa ba?’ Every time na nakikita nila ako, nakangiti, niyayakap nila ako. Yung iba talagang kinakausap ako. Nakaka-brighten ng day.”
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Nakapagpundar na ng sariling sasakyan si Angeli Khang kaya hindi na siya sumasakay sa moto taxi tuwing may pinupuntahan at kanyang ginagawa nang magsimula ang acting career niya sa Vivamax noong 2021.

Read: Angeli Khang huling pelikula na sa Vivamax ang Salawahan

Natawa si Angeli nang ipaalaala namin sa kanya ang kuwento na nangyari noong Nobyembre 9, 2021—ang pagsakay niya sa moto taxi para mabilis siyang makauwi ng bahay dahil sa live Zoom interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dahil gahol na sa oras, napilitan si Angeli na bumaba sa harap ng Jollibee branch para hindi maantala ang Zoom interview ng PEP sa kanya.

Gulo-gulo pa ang buhok ni Angeli nang bumaba ito mula sa moto taxi at plano niya sanang gawin ang Zoom interview sa labas ng fastfood chain branch habang nakasalampak ng upo sa tabing kalsada.

Gabi noon kaya pinayuhan ng PEP si Angeli na pumasok ito sa loob ng fastfood restaurant dahil baka may umagaw sa cellphone niya habang nagaganap ang panayam sa kanya para sa Mahjong Nights, ang Vivamax movie na ipino-promote noon ng sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil mahina ang signal, paputol-putol ang Zoom interview noon kay Angeli.

angeli khang pep live

Napangiti si Angeli nang mapag-usapan ang insidenteng natatandaan niya.

Hindi na ginagamit ni Angeli sa pagbibiyahe ang motorcycle ride-hailing platform sa Pilipinas. Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, sasakay pa rin siya rito.

“That was very memorable, but I am happy now na may car na ako, may pang-gas and everything. May driver na rin,” sabi ni Angeli nang mapag-usapan ang kanyang karanasan bilang baguhang sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy niya, “And if I am given a chance to ride the motorcycle, siyempre yes pa rin, masaya ang mag-motor.

"But I am thankful of all my blessings.

“Minsan nagugulat na lang ako, bago ako matulog, nare-realize ko, ‘Lord, thank you sa mga naabot ko ngayon. Na every day I am being blessed little by little, more by more by You and I have a happy family. I have a roof and I never get hungry and whatever I want, I can get it like the things and food that I am craving for. Thankful ako sa blessings.’”

most memorable experiences

Ang pagdalo niya sa GMA Gala 2024 noong Hulyo 7, ang mga taong nakikilala na siya, at ang mga batang lumalapit sa kanya sa mga mall show nila ni Robb Guinto para sa Unang Tikim ang ilan sa mga hindi malilimutang karanasan ni Angeli.

Angeli Khang at GMA Gala 2024
Angeli Khang at GMA Ball 2024
Photo/s: Pau Guevarra
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging popular si Angeli dahil sa mga pelikulang pinagbidahan niya sa Vivamax, at lalong nadagdagan ang kanyang popularidad nang maging bahagi siya ng Black Rider, ang action-drama series ng GMA-7 na nagwakas noong Hulyo 26, 2024.

Read: Sexy star na si Angeli Khang, huling birhen ng Isla Alakdan sa Black Rider

“Ang daming nagha-hi. Ang daming kumakausap sa akin, every booth pinapunta ako hanggang sa pagpunta ko sa table, ang daming tuma-tap sa arms ko,” kuwento ni Angeli tungkol sa kanyang pagdalo sa GMA Gala.

Sinundan niya ito ng malakas na halakhak nang sabihin ng Cabinet Files na tuwang-tuwa ang mga kalalakihan nang makita siya sa personal.

“I feel the people’s praise and support. Sobrang nakakataba ng puso.

“One time nag-vlog kami sa Viva, it’s a public place. Halos lahat ng mga tao lumalapit, sinasabi nila, 'Nimfa! Nimfa!'

“Narinig ko sabi ng videographer namin, 'Ano kaya yung ipinu-promote natin dito, Black Rider o Viva pa ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Every time na nakikita nila ako, nakangiti, niyayakap nila ako. Yung iba talagang kinakausap ako. Nakaka-brighten ng day,” lahad ni Angeli.

Ikinagulat din ni Angeli dahil may mga tagahanga rin siyang mga bata.

“Pati mga bata, yesterday, nag-mall show kami, yung mga bata habang kumakanta ako, niyakap nila ako. Nakakataba ng puso.”

May proyekto na ba siyang TV series pagkatapos ng Black Rider?

Sagot ni Angeli, “Sabi nila, meron, I am claiming. I am manifesting.”

Ang Unang Tikim ang bagong pelikulang pinagbibidahan nina Angeli at Robb.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipalalabas sa mga sinehan at hindi sa Vivamax ang pelikula nina Angeli at Robb.

Masipag sila sa pagpo-promote dahil ngayon lamang sila nagkaroon ng proyektong mapapanood sa wide screen at binigyan ng R16 classification ng MTRCB.

Read: Angeli Khang at Robb Guinto, mapapanood na sa big screen

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeli Khang on public's support: “I feel the people’s praise and support. Sobrang nakakataba ng puso. One time nag-vlog kami sa Viva, it’s a public place. Halos lahat ng mga tao lumalapit, sinasabi nila, 'Nimfa! Nimfa!' Narinig ko sabi ng videographer namin, 'Ano kaya yung ipinu-promote natin dito, Black Rider o Viva pa ba?’ Every time na nakikita nila ako, nakangiti, niyayakap nila ako. Yung iba talagang kinakausap ako. Nakaka-brighten ng day.”
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results