PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Bautista, naging malaya pagkatapos maglabas ng libro

Mark Bautista, malayang-malaya na ang pakiramdam
by Jojo Gabinete
Published Jul 31, 2024
mark bautista concert
Mark Bautista on not allowing himself to feel burnout: “Itong industriyang ito is very harsh. Kailangan matibay ka talaga. Hindi puwedeng hindi ka mag-isip nang ganoon na parang nakakapagod o burnout ka. I think kailangan maging connected ka lang sa reality. Maging connected ka sa family mo for support. Maging realistic lang.”

Malayang-malaya na ang pakiramdam ni Mark Bautista mula nang ilabas niya ang Beyond the Mark, ang kanyang autobiography book, noong Pebrero 2018.

Naging kontrobersiyal ang nasabing libro dahil inamin niya sa publiko na miyembro siya ng LGBTQ community.

Read: Mark Bautista, umaming bisexual: "I love both sexes."

Muling napag-usapan ang libro ni Mark nang magtanong ang Cabinet Files tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay na nagpatunay ng katatagan niya dahil nakalampas siya sa mga pagsubok na pinagdaanan.

“I think nung point na nag-release ako ng book ko. Yun ang parang super ready na ako.

"I am okay with myself and all that. Yeah, I think yung point na yon,” sagot ni Mark.

Would you say malayang-malaya ka na?

“Yeah. Yeah..." sagot ni Mark.

"I mean, nalagpasan ko na yon. It was, like, seven years ago and a lot of beautiful things happened to me. I am so grateful.”

Muling nakausap ng Cabinet Files si Mark sa media conference para sa MARK My Dreams, ang kanyang 21st anniversary concert sa entertainment industry na magaganap sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino sa Agosto 31, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mark Bautista admits some showbiz friends became distant after revealing he is bisexual

mark bautista

UNEXPECTED EVENT IN HIS LIFE

Sandaling napaisip si Mark nang tanungin siya ng Cabinet Files tungkol sa pangyayaring hindi niya pinangarap pero naganap.

Saad niya: “Actually being in show business, hindi ko naman talaga ito ang dream ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sumali lang talaga ako ng contest dahil gusto kong makatulong sa pamilya. Gusto ko lang mapanalunan yung cash prize.

"Yun lang talaga ang goal ko nung time na yon, nung bata pa ako.

“But God has other plans for me and ito nga yon — biglang nakapasok na ako sa showbiz.

"Aabot ka ng 21 years is the Lord’s way of blessing me.

“Hindi naman ito ang pangarap ko na mas longer career life sa showbiz, but ibinigay ni Lord.

"So, every day, ang daming surprises ni God sa akin na hindi ko naman ine-expect.”

Read: Mark Bautista open to a relationship with a woman; wants to have a family

Kailan mo napagtantong mahal mo ang propesyon mo bilang entertainer?

“Na-realize ko na dapat pala talagang mahalin ko ang propesyon na ito kasi ang daming pumasok sa industriyang ito, especially ngayon.

“Hindi naman ganoon kadali and for us na nandito na, dapat na alagaan,” saad ni Mark.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakikita ni Mark ang sarili bilang arkitekto o interior designer kung hindi siya nabigyan ng pagkakataong makapasok sa show business.

“Siguro dahil nag-architecture ako, posibleng itinuloy ko ang pagiging estudyante. Hindi ko alam baka naging arkitekto na ako.

"Pero dahil sa hirap ng architecture, baka nag-shift na ako to interior designing. Mahilig ako sa bahay."

Ano ang maaaring maging dahilan para talikuran mo ang entertainment industry?

“I think kapag nawala ang boses ko. Kapag dumating yung point na yon, sobrang frustrating. Yun ang magiging major reason for me,” reaksiyon ni Mark.

Aminado si Mark na nakaramdam na rin siya ng pagod o burnout, pero nilabanan niya.

Aniya, “Itong industriyang ito is very harsh. Kailangan matibay ka talaga.

"Hindi puwedeng hindi ka mag-isip nang ganoon na parang nakakapagod o burnout ka.

“I think kailangan maging connected ka lang sa reality. Maging connected ka sa family mo for support. Maging realistic lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista on not allowing himself to feel burnout: “Itong industriyang ito is very harsh. Kailangan matibay ka talaga. Hindi puwedeng hindi ka mag-isip nang ganoon na parang nakakapagod o burnout ka. I think kailangan maging connected ka lang sa reality. Maging connected ka sa family mo for support. Maging realistic lang.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results