PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nino Muhlach, sino ang pinatatamaan sa cryptic post?

Nino: "INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!"
by Jojo Gabinete
Published Jul 31, 2024
nino muhlach bong revilla birthday
Cryptic post ni Nino Muhlach sa Facebook, hinihinalang may kinalaman sa kontrobersiya sangkot ang isang aktor at dalawang TV personalities.
PHOTO/S: Jerry Olea

Umpisahan Mo, Tatapusin Ko ang pamagat ng 1983 blockbuster movie ng pumanaw na King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Ito ang ginamit ng former Child Wonder of the Philippines na si Niño Muhlach sa cryptic Facebook post niya ngayong Miyerkules ng umaga, Hulyo 31, 2024.

"INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!" may himig na pagbabanta ng beteranong aktor sa kanyang post.

Nino Muhlach posts cryptic message on Facebook; who is he referring to?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinala ng ibang netizens, tila may kinalaman ito sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng isang aktor na malapit kay Niño at dalawang personalidad mula sa industriya ng telebisyon.

Maliban sa cryptic post ni Niño, hindi pa nagsasalita o naglalabas ng anumang pahayag ang mga sangkot sa maselang usapin na pinagpipistahan ngayon ng publiko sa social media.

Deactivated na ang mga social media account ng mga television personality, samantalang hindi na aktibo sa Facebook ang aktor mula pa noong Hulyo 23, 2024.

Isang nakakaalam sa buong pangyayari ang nagsabi sa Cabinet Files na desidido ang biktima at ang pamilya nitong magkaroon ng hustisya ang diumano'y paglapastangan sa aktor.

Marami ang nakikisimpatiya sa aktor at naniniwalang totoong biktima ito ng pang-aabuso, kahit hindi pa siya nagsasalita.

Nangyari ang insidente sa isang hotel pero may mga piping saksi na tiyak na makapagbibigay ng mga detalye at ebidensya—ang mga CCTV camera na malaki ang maitutulong sa imbestigasyon tungkol sa isyu, na sinusubaybayan ngayon ng publiko dahil sa kagustuhan nilang malaman ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cryptic post ni Nino Muhlach sa Facebook, hinihinalang may kinalaman sa kontrobersiya sangkot ang isang aktor at dalawang TV personalities.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results