Humihingi ng tulong ang pamilya ng aktres na si Myra Manibog sa mga taong may mabubuting kalooban dahil muling nakaratay ang aktres sa Makati Medical Center, Makati City, dalawang buwan (Mayo 2024) matapos siyang lumabas mula sa nabanggit na ospital.
Noong Mayo 21, 2024, inilahad ni Myra sa pamamagitan ng isang Facebook post, ang mga pagsubok sa kanyang kalusugan na dahilan para magbenta siya ng mga personal na gamit bilang pandagdag sa mga gastusin niya sa pagpapagamot.
Read: Anak ng '80s sexy star na si Myra Manibog, kabilang sa mga nagpasaya sa mga bata sa Child Haus
Lahad niya noon, “17 days in the hospital, naubos na savings namin. Lord, after three hospitals in one year.
"Hindi ko alam kung kaninong mapagpalang kamay Mo ako kukuha ng pambili ng gamot at pambayad ng hospital pero buo ang pananampalataya ko na You will provide, in Jesus’ name.”
Hindi nabigo si Myra dahil marami ang tumulong sa kanya.
MYRA CONFINED AT HOSPITAL AGAIN
Makalipas ang dalawang buwan, muling nangangailangan ng pinansiyal na tulong at mga dasal ang pamilya ni Myra para sa pagpapagamot ng dating sexy star.
Mahigit sa PHP700,000 na umano ang mga bayarin nila sa ospital, hindi pa kasama ang bayad sa doktor.
Read: Bridgette de Joya: former Seiko sexy star is now a lady guard
“We are knocking on your kind hearts and humbly asking for financial help and prayers for Mama Myra Manibog,” social media post ng kanyang anak na si Alekzandra Nicolle.
“She is currently confined at Makati Medical Center due to liver and abdominal abscess.
“She had her operation for drainage and was transferred to ICU for close monitoring due to unstable BP and low oxygen level which puts her at risk of organ failure, even comatose.
“Our hospital bill is now P700K + excluding the doctor’s fee and these expenses are overwhelming for our family and we are struggling to keep on.
“Your assistance, no matter the amount is, will be of bog help to our family and will be greatly appreciated.
“Thank you for all your support and please pray for her healing and fast recovery. May God’s blessings be with you always.”
Para sa mga gustong magpaabot ng tulong, maaaring magpadala sa Gcash account ni Alekzandra Nicolle na may mga numerong 09673388810.