PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diana Zubiri, one-month vacation na-extend dahil sa projects

Diana Zubiri, ikinatutuwa ang pagkakaroon ng Eddie Garcia Law.
by Jojo Gabinete
Published Aug 3, 2024
diana zubiri projects
Diana Zubiri on Eddie Garcia Law: “Ang saya namin, siyempre hindi na rin kami bumabata. Mas pabor sa katawan namin yung maaga ang simula ng taping, maaga rin na matatapos. Wala nang lagare, at least nakakapagpahinga ka. Yun naman ang importante dahil health is wealth. Pero nakapasuwerte na naranasan ko yun noon at ngayon, mararanasan ko ang changes.”
PHOTO/S: @dianazubirismith on Instagram

Isang buwan lamang ang nakaplanong pagbabakasyon ni Diana Zubiri sa Pilipinas dahil nakatakda silang bumalik ng kanyang pamilya sa Australia sa Agosto 5, 2024.

Pero nagkaroon ng malaking pagbabago nang dumating ang alok na proyekto ng GMA-7 na hindi niya matanggihan, ang Mga Batang Riles.

Read: Diana Zubiri reacts to “feeling artista,” “feeling entitled” tags after unpleasant experience in Louis Vuitton shop

Bukod sa teleseryeng gagawin niya para sa Kapuso Network, nagkasunud-sunod ang mga TV guesting ni Diana.

Dumatin din ang oportunidad na maging celebrity endorser siya ng transportation mobile app na Tara, kasama ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

“Nung bumalik ako sa Pilipinas para magbakasyon, ang daming pumapasok na trabaho.

"I took it as a sign na kailangan ko na sigurong mag-stay at bumalik sa industry natin,” lahad ni Diana sa contract signing niya na dinaluhan nina Tara president Marc Bundalian at vice-president Marco Gregorio.

Read: Diana Zubiri recalls countless failed auditions in ABS-CBN: “Sinisiksik ko yung sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
diana zubiri tara
Diana Zubiri with Tara vice-president Marc Gregorio (left) and resident Marc Bundalian (right).

MGA BATANG RILES

Ang Mga Batang Riles ang drama-action series project ni Diana sa GMA 7.

Co-stars niya rito sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyrria, Antonio Vinzon, Ronnie Ricketts, Jay Manalo, Desiree del Valle, Zephanie, at Eva Darren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mga batang riles cast
Mga Batang Riles cast: (standing, L-R) Jay Manalo, Antonio Vinzon, Raheel Bhyria, Miguel Tanfelix, Ronnie Ricketts, Bruce Roeland, Kokoy de Santos; (seated, from left) Zephanie, Desiree del Valle, Diana Zubiri, and Eva Darren.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang mapanood si Diana sa isang drama series kaya natutuwa siya sa muling pag-arte niya sa harap ng kamera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa aktres, “Sa tagal kong walang acting, gusto ko na po ulit maranasang umarte, nasa set, nagte-taping, kasama ko ulit yung ibang artista. Kasi matagal ko na hindi na-experience.

“Committed na po ako sa Mga Batang Riles at mag-stay ako dito sa Pilipinas hanggang matapos ko yung taping para sa show.

“First time na nakilala ko ang young stars sa Mga Batang Riles. Matagal akong nawala sa showbiz kaya hindi ako familiar sa kanila, except for Miguel Tanfelix.

“Magagalang naman sila. Marami silang ipinangako during the story conference na magiging professional sila, lalo na po ngayong may Eddie Garcia Law na.

“Isa yon sa mga importante na kailangan nila na isaalang-alang sa oras ng trabaho.”

THE EDDIE GARCIA LAW

Ikinatuwa raw nila ng kanyang Encantadia co-stars na sina Iza Calzado at Karylle ang pagkakaroon ng Eddie Garcia Law.

Read: President Ferdinand Marcos Jr. signs Eddie Garcia Law

Saad ni Diana, “Ang saya namin, siyempre hindi na rin kami bumabata. Mas pabor sa katawan namin yung maaga ang simula ng taping, maaga rin na matatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala nang lagare, at least nakakapagpahinga ka. Yun naman ang importante dahil health is wealth.

“Pero nakapasuwerte na naranasan ko yun noon at ngayon, mararanasan ko ang changes.”

Samantala, nagpaliwanag si Tara President Marc Bundalian tungkol sa transportation mobile app na iniendorso nina Diana at Manny.

“There’s an app in the US which I decided na dalhin sa Pilipinas.

“It’s called Tara. Hopefully, by next month, i-launch na namin. Former Senator Manny Pacquiao is part of the company.

“I believe in the app at makakatulong ito sa mga Pilipino,mabibigyan sila ng extra income by renting out their vehicles.

"Yung Tara is parang Airbnb pero mga sasakyan at hindi mga bahay.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diana Zubiri on Eddie Garcia Law: “Ang saya namin, siyempre hindi na rin kami bumabata. Mas pabor sa katawan namin yung maaga ang simula ng taping, maaga rin na matatapos. Wala nang lagare, at least nakakapagpahinga ka. Yun naman ang importante dahil health is wealth. Pero nakapasuwerte na naranasan ko yun noon at ngayon, mararanasan ko ang changes.”
PHOTO/S: @dianazubirismith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results