PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo, may hidwaan sa kanyang sariling ina?

Carlos Yulo, hindi pa binabati ng kanyang ina na si Angelica Poquiz Yulo.
by Jojo Gabinete
Published Aug 4, 2024
carlos yulo mother
Is Carlos Yulo not on good terms with his mother, Angelica Poquiz Yulo? Netizens notice that Angelica has not been posting about Carlos's achievements, including his recent gold-medal victory at the Paris Olympics.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Mula sa 143,000 subscribers, umakyat sa 177,000—at press time—ang bilang ng Instagram followers ni Carlos Yulo ilang oras matapos niyang manalo ng medalyang ginto para sa men’s gymnastics floor exercise ng Paris Olympics.

Ginanap ang finals ng men's floor exercise sa Bercy Arena, Paris, France, Sabado ng hapon, Agosto 3, 2024 (Sabado ng gabi sa Pilipinas).

Read: Carlos Yulo takes historic gymnastics gold at Paris Olympics 2024

Ang tagumpay ni Carlos sa Paris Olympics ang dahilan kaya muling nagkaroon ng interes ang ilang nagbubunying Pilipino para panoorin sa YouTube ang paglalaro niya sa Family Feud Philippines noong Nobyembre 15, 2023.

carlos yulo family feud
Carlos Yulo in the November 15, 2023 episode of Family Feud
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REAL FAMILY FEUD

Masayang-masaya ang lahat ng mga Pilipino sa tagumpay ni Carlos sa Paris Olympics, pero nasundan ito ng matinding interes ng netizens sa diumano’y “family feud” na kinasasangkutan nila ng kanyang ina na si Angelica Poquiz Yulo.

Hindi sana mapapansin ito, pero ang mga makahulugang Facebook posts ni Angelica ang ginamit na basehan ng mga netizens na sabik na malaman ang katotohanan.

Kapansin-pansin ding wala si Carlos sa profile picture na ginamit ng kanyang ina sa official Facebook page nito.

yulo family without carlos
Profile picture of Carlo Yulo's family on Facebook
Photo/s: Angelica Poquiz Yulo Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pebrero 17, 2023 ang huling pagkakataong binati ng kanyang ina si Carlos ng "Maligayang kaarawan."

Pebrero 16 ang 23rd birthday ng gymnast.

Mula noon, wala nang post si Angelica tungkol kay Carlos. Hindi na rin niya binabanggit ang pangalan ng anak.

Mapapansin ding at press time, hindi pa nagpapahatid—whether as social-media posts or media interviews—ng pagbati si Angelica kay Carlos para sa karangalang ibinigay nito sa Pilipinas.

Ang huling Facebook post ni Angelica ay noong Agosto 1, 2024, kung saan nagkomento siya ng “Japan pa din talaga…lakas” nang manalo ng gold medal sa all-around finals ang Japanese gymnast na si Shinnosuke Oka.

Panglabindalawa si Carlos sa 24 finalists ng nasabing kumpetisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carlos Yulo "disappointed" about silver, bronze medals but "good experience po yun"

ANGELICA YULO'S INTRIGUING FACEBOOK POSTS

Makikita rin sa mga Facebook posts ni Angelica ang mga mapagmahal na mensahe nito para sa kanyang mga anak na sina Jorielgel, Karl, at Elaiza—na kagaya ni Carlos ay mga gymnasts din.

Pero kapansin-pansing hindi kasama sa mga ipinu-post niya ang mga tagumpay ni Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang may netizen na magkomento sa kanyang post na kulang ang pangalan na binanggit at isali niya dapat ang isa, sumagot si Angelica ng “sakto lang ‘yan” at “dahu?”

Dahil dito, lalong tumindi ang mga hinalang may problema sa pagitan nila ni Carlos.

Read: Carlos Yulo believes long-distance relationship works best for him and girlfriend

angelica yulo post
Photo/s: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
angelica yulo post
Photo/s: Screen grab from Angelica Yulo Facebook

Halos isang taon na ang nakararaan buhat nang ibahagi ni Angelica sa social media ang kanyang saloobin noong Agosto 11, 2023.

Mapapansin na ang tatlong anak lamang niya ang binanggit dahil wala na naman ang pangalan ni Carlos.

Saad ng ina ni Carlos: “Ngayon ko na-realize ahaha. Dati very vocal ako na akala ko si Jorielgel Yulo ang papatay sa akin sa kunsomisyon at si Karl Yulo ang magiging pasaway pagdating ng araw dahil grabe ang mga binibigay sa akin na kunsomisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mali pala ako dapat pala di ako naging judgemental... EXPECT THE UNEXPECTED Sabi nga nila ahahaa.. Thank you sa tatlo Kong anak Joriel, Eldrew and Elaiza Yulo sila ung constant na nangangamusta sa akin at sila din ung palaging nag comfort sa akin. MAHAL KO KAYONG 3..”

angelica yulo post
Photo/s: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Agosto 15, 2023, muling nag-post si Angelica ng nararamdaman nito bilang isang ina na tila patungkol na naman kay Carlos:

“HINDI KO DIN GINUSTO NA MAGING ANAK KO KAU BUT I DONT HAVE ANY REGRETS FOR HAVING YOU IN MY LIFE.

“At an early age I became a mom tapos walang kaalam alam sa lahat ng bagay even how to earn money for a living lakas lang ng loob ang meron ako at xempre ung PAGMAMAHAL ko sa Inyo.

“Hindi ko man naibigay sa Inyo ung luho ng materyal na bagay PERO I MADE SURE NA HINDI KAU MAGUGUTOM AT DI DIN MAHUHULI KAHIT PAPAANO SA USO.. I MADE SURE DIN NA MAKAKAPAG ARAL KAU NG MABUTI. naranasan nio na mag summer class para advance next school year I made sure din na mag hire ng tutor para sa inyong Pag aaral din.

“Nahinto lang ito nung naging busy na Kau sa academics and sports. I made sure din maayos at malinis ang mga damit nio at lahat ng gamit nio naka organized. Hindi man naging marangya ang buhay nio sa amin PERO I MADE SURE NA HINDI KAU MAGIGING MISERABLE SA PILING NAMIN. SA LAHAT NG BAGAY KAU ANG PRIORITIES KO ISUSUBO KO NA LANG IBIBIGAY KO PA SA INYO. I even quit my job kasi walang mag- aalaga at di ko kayang makita na napapabayaan Kau.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Habang nasa bahay ako inaalagaan ko Kau and at the same time kumikita ako ng pera. Hindi ako umasa lang sa tatay nio. ISINANGTABI KO ANG PANGRAP KO PARA BUUIN ANG PANGARAP NIO. I showered you with all my LOVE that you deserved.. YES THIS IS MY OBLIGATIONS AND MY RESPONSIBILITY because I am a parent NA PWEDE KONG TALIKURAN KUNG NAGING MAKASARILI AKO.

“NGAYON KUNG SA TINGIN MO NAGIING MISERABLE BUHAY MO SA AMIN. I THINK IKAW NA ANG MAY PROBLEMA.”

angelica yulo post
Photo/s: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagdududahang patungkol pa rin kay Carlos ang Facebook post ni Angelica na may petsang Agosto 1, 2023.

Nakasaad dito: “Dami nagsasabi sa akin na baka daw nagayuma ka, nakulam ka or dinasalan ka ayaw ko Sana maniwala e in this age USO pa ba talaga yan??

“Kaso parang mukhang totoo dahil BAKA PATI SARILI MO DI MO NA KILALA.. MANALAMIN KA AT LIMIIN MO MAIGE LAHAT LAHAT. MAXADO KA NANG MATAAS BAKA DUMATING ANG ARAW SUMADSAD KA SA LUPA..”

angelica yulo post
Photo/s: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa nagsasalita sina Angelica at Carlos tungkol sa kanilang hindi pagkakaunawaan dahil naungkat lamang ito nang manalo sa Paris Olympics ang 24-year-old Olympian.

Pero ayon sa mga nakakaalam sa kuwento, may kinalaman daw sa usaping pananalapi ang isyu.

At kahit hindi pa alam ang tunay na dahilan, may ilang netizens na nambatikos at nanghusga kay Angelica kahit hindi nila alam ang tunay na kuwento.

Nakipag-ugnayan na ang Cabinet Files kay Angelica para sa kanyang panig pero hindi pa siya sumasagot.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Carlos Yulo not on good terms with his mother, Angelica Poquiz Yulo? Netizens notice that Angelica has not been posting about Carlos's achievements, including his recent gold-medal victory at the Paris Olympics.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results