Man of the Hour si Carlos Yulo dahil sa dalawang gintong medalya na napanalunan niya sa Paris Olympics.
Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines
Pero kasabay nito, nananatiling kontrobersiyal ang kanyang ina na si Angelica Yulo dahil sa hidwaan nila sa pera.
Patuloy na kinukuyog ng bashers, nakatatanggap ng mga batikos at nadaragdagan ang mga paghuhusga sa nanay ni Carlos nang magpainterbyu siya para magpaliwanag tungkol sa ugat ng hindi nila pagkakaunawaan ng anak niya.
Read: Carlos Yulo's mother defends self on "mukhang pera" accusations
Pero palaban si Angelica.
Kung “profile locked” na ang mga Facebook page ng asawa at ibang anak nito, nananatiling bukas sa publiko ang social media account niya.
FAKE FACEBOOK ACCOUNTS
Pero may mga gumawa ng fake Facebook accounts ni Angelica na pinalalabas itong mukhang pera dahil sa kanyang mga post kaya dapat mag-ingat at maging mapagmatyag ang publiko para hindi sila maging biktima ng fake news.
Mula nang manalo si Carlos ng gold medal sa Paris Olympics noong Sabado, Agosto 3, para sa men’s artistic gymnastics floor exercise, walang anumang post entry si Angelica.
Read: Carlos Yulo, may hidwaan sa kanyang sariling ina?
Kaya fake ang mga Facebook account na gumamit sa kanyang pangalan, larawan, at nagpapalutang ng mga intriguing post tulad ng mga ito:

Para hindi malinlang ang publiko na may obsesyon sa real-life family drama, meron nang 12,000 followers ang Facebook page ni Angelica.
Hindi nito binubura ang mga lumang post niya gaya ng kanyang entry noong Setyembre 8, 2023 tungkol sa mga alibughang anak na homily ng pari nang magsimba siya. Tila patutsada niya ito kay Carlos.
Read: Carlos Yulo, GF Chloe San Jose charm netizens with post-victory celebration